Pages

Alin ang Dapat Manaig: Puso o Isip?

Para sa kauna-unahang suliranin na bibigyan natin ng payo ay isa sa aking mga Facebook friends ang humihingi ng payo kung alin ba ang dapat na sundin? Kung ang puso ba o isipan? At, ito'y hindi niya problema kundi mula lamang din sa kaibigan niya. Bago ko ito ipaskil ay humingi ako ng pahintulot sa kanya at hindi rin natin siya papangalanan. May kahabaan nga lamang ang aming naging pag-uusap subalit ipinapayo namin sa aming mga mambabasa na tapusin ito hanggang dulo upang maunawaang mabuti at kapulutan natin ng aral, insha Allah. Narito:
----------
Brother: Salam
Me: wa alaykumus salam
Brother: sa inyo ako madalas magtanong noon nung bago pa ako..
ngayon magtatanong ulit ako,
InshaAllah
Me: ano po tanong ninyo?
Brother: about sa puso at isip... Ano po ba ang dapat mangibabaw? ang puso ba o ang isip?

Me: Pwede pong pagsamahin yan...
pero maaari bang malaman ung particular na situation..
para mas lalong masagot insha Allah.
depende kasi sa sitwasyon..
pero ang pinakarule natin bilang Muslim sa mga ganyan ay kung ano ang tama at para kay Allah..
Brother: halimbawa sa isang taong umibig sa may asawa, na ang kanyang ginamit ay puso mahal na mahal po niya yung isang tao
paano po kaya yun
kailangan ba manaig ang puso dito?
Tulad po sheik
may isang brother na nagmahal sa isang sister
at yung sister ay na inlove din sa kanya
pareho silang may asawa
ngayon itong sister palibhasa ang asawa niya ay babaero
Me: sa ganung sitwasyon na ang mister nung babae ay babaero ay humiling siya rito na maipaghiwalay siya..
pero hindi niya maaaring gawing dahilan na may iniibig siyang iba dahil haram un sa Islam.. napakalaking haram..
jan ay kailangang manaig ng isip..
Brother: kaya lang po sheik ayaw naman makipag hiwalay ng lalaki
muslim din yung lalaki
Me: sa ganyan pong sitwasyon ay wala silang magagawa kundi itigil nila ung maling relasyon nila..
ang dapat manaig ay ung pagmamahal natin kay Allah..
Ang batas ni Allah ang dapat manaig sa ating mga gawain..
Brother: tama po
Me: habang maaga ay magtawbah po sila at kalimutan nila ang isa't isa para hindi lumala..
wala po itong maibubungang maganda..
at malaking kapinsalaan sa kanilang dalawa ang relasyon na ito..
at makakadamay pa ng iba..
kailangan nilang gawin yan.. alang-alang kay Allah..
at sila ay gagantimpalaan ni Allah at patatawarin Niya..
at dito matatanggap nila ang tunay na kasiyahan..
Brother: allahuma ameen.. sheik
Me: amin
Brother: paano po yun kung halimbawa wala nang nararamdamang pagmamahal yung babae sa kanyang asawa dahil sa pinaggagawa sa kanya nito tulad ng lagi siyang minumura, sinasabihan ng mga malalaswang salita at pinag iisipan ng masama
kaya lang talagang ayaw siyang hiwalayan ng lalaki?
Me: magrequest siya sa qadi...
pero mas mainam na makipag-ayos muna siya sa mister niya.. kasi maaaring may dahilang kung bakit un nagagawa ng lalake..
katulad niyan may nagugustuhan palang iba si babae..
eh talagang mapapamura siya...
kahit kanino mangyari yan.. at maaaring mas malala pa ang gawin ng ibang lalake..
Brother: Minsan na po kasi gumawa yung lalaki na nakisama sa isang babae na hindi naman sila kasal kaya naging iba ang takbo ng utak ng asawa niyang babae
Me: makipagkasundo sila..
magkasundo sila at ayusin muna nila..
kung walang solusyon ay dalhin ng babae sa judge na muslim ung sitwasyon niya..
at doon siya magsumbong at magrequest na paghiwalayin sila..
or sa mga magulang nilang Muslim..
para mapag-usapan ung mga gusot..


*Note: Binura ko ung huling bahagi ng aming pag-uusap ng brother dahil nagkamali ako sa pagsasabi na ang kasal sa huwes ay hindi tanggap sa Islam kapag nag-Muslim ang lalake o parehas na nag-Muslim ang mag-asawa. Nag-research ako ulit at may 2 akong libro na nabasa at may 2 tagapangaral din sa Islam ang nagbigay puna sa aking nasabi maliban pa sa pagbabasa sa mapagkakatiwalaang mga websites. Tumawag na rin ako sa aking guro na si Dr. Faruq sa Ma'had Maarif sa Baguio para higit na makasigurado insha Allah at ang sabi rin niya (buod ng pagkakasabi niya) na HINDI NA KAILANGANG IKASAL ULIT SA ISLAM ANG MAG-ASAWANG NAG-MUSLIM O KUNG LALAKE ANG NAG-MUSLIM DAHIL ANG PROPETA MUHAMMAD (sallallahu alayhi wa sallam) AY HINDI NA NIYA IKINAKASAL ULIT ANG PUMAPASOK SA ISLAM NA MAG-ASAWA. BASTA'T ANG KASAL AY NASA TAMANG PARAAN SA KANILA AT KINIKILALANG LEGAL NG MAG-ASAWA AY DI NA SILA KAILANGANG IKASAL ULIT KUNG PAPASOK SILA NG ISLAM O UNG LALAKE LANG ANG PUMASOK SA ISLAM KAHIT PA ITO AY SA HUWES LANG DAHIL ITO AY TANGGAP NG MAG-ASAWA NA TAMA.


Konsultahin po ninyo ang inyong Ustadh tungkol dito.
----------
Aral: Kapag nagkaroon ng di-pagkakaunawaan ang puso at isipan ay kailangang ang pananampalataya sa Allah ang manaig na hindi makagawa ng anumang masamang hakbang. Ang sabi ng Allah:
((فَإِنْ تَنَازَعْتُمْ فِي شَيْءٍ فَرُدُّوهُ إِلَى اللَّهِ وَالرَّسُولِ)) سورة النساء:176
"At kapag kayo ay hindi nagkasundo sa isang bagay ay isangguni ninyo ito sa Allah at sa Kanyang Propeta." [Suratun Nisa':176]

No comments:

Post a Comment