Pages

Hirap Akong Maka-move on sa Nabigong Kasalan sa Babaeng Minamahal

Bawat isa ay nakakaranas ng problema sa buhay, pero siyempre ang pakatatandaan natin palagi na ito ay pagsubok mula sa Allah at tayo'y manalig sa Kanya palagi. Medyo mahaba itong aming naging pag-uusap ng isa sa aking mga nakachat sa FB. Hindi ko siya kilala at di rin nakita kasi wala rin siyang personal pics sa FB niya. Ang kanyang problema ay tungkol sa nabigong mapaksalan ang babaeng mahal niya. Basahin po natin at insha Allah ay kapupulutan natin ng aral.
----------
Brother: meron din sana ako hiling kung pwedi rin makahingi ng nasiha,.. if ok lng­ ­...
Me: pwede po insha Allah..
Brother: isang pagkakataon na to na masagot sana itong matagal konang dinidibdib sana bro. ma2longan mo ako ano maganda gawin ko.­ ­
Me: tungkol po saan?
Brother: hindi ko alam saan ako magsisimula,..­ ­

May Problema Kami ng Misis Ko na Nasa Ibang Bansa

Isa sa mga kaibigan ko sa totoong buhay ang humingi sa akin ng payo sa Facebook tungkol sa kanilang mag-asawa. Silang mag-asawa ay magkalayo na nasa magkaibang bansa at siyempre alam naman natin na dumarating talaga sa mag-asawa ang mga di pagkakasundo. Ang layunin natin dito ay makapulot ng aral at katulad ng dati ay hindi natin ipinakikilala ang mga taong involve sa usapin at ito ay may pahintulot ng aking kaibigan. Medyo mahaba ang aming naging pag-uusap pero insha Allah ay kapupulutan natin ng aral lalo na ng mga mag-asawa. Shukran sa pagbabasa.
----------
Brother: assalamu alaykum mer,.
Me: wa alakyumus salam
Brother: may problema ako mer,.. busy ka ba mer??
Me: ano problema mo?
Brother: mer,.
Me: misis mo?
Brother: ganito ba tlaga kapag talagang mahal mo ang isang tao??

Kanino Po Mapupunta ang mga Bata Kapag Nagkahiwalay Kaming Mag-asawa?

Isang sister natin na kababayan rin natin ang nagtatanong tungkol sa kung kanino mapupunta ang kanilang maliliit pang mga anak kung sakaling magkahiwalay daw sila ng kanyang foreigner na asawa. Maayos naman ang kanilang pagsasama pero nausisa lang niya kasi may nakapagsabi sa kanya na kung magkahiwalay daw sila ay sa lalake daw mapupunta ang mga bata at mahihirapan daw siya doon. Hingin natin sa Allah na magsama sila ng maayos. Narito ang aming pag-uusap:
----------
Sister: may gusto po sana ako itanung kng halimbawa mag hiwalay ang isang mag asawa kaninong puder po dapat mpunta ang mga bata.. s ina or s ama..
******* po kase ang asawa ko curious lang po aq kea naitanung q..

Sasama ba Ako sa Mister Ko sa Abroad o Aalagaan na lang ang Aming Maliliit na mga Anak?

Matutulog na sana ako ng aking qaylulah (afternoon nap) nang biglang may napatanong. Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya kaya itinanong ko sa mga sisters sa Facebook. Nagsasalah kasi ang misis ko ng Salatuz Zhuhr kaya di ko naitanong agad sa kanya pero nagbigay din naman siya ng payo pagkatapos niyang magsalah dahil inopoen ko rin sa kanya.

Ang tanong na ito ay maraming beses ng nangyari at mangyayari pa insha Allah. Kung saan ang mister ay mag-aabroad at maaaring sumama sa kanyang ang kanyang misis subalit maiiwan naman ang maliliit nilang mga anak. Nalilito ang misis kung sasama ba sa mister niya o aalagaan na lang ang kanilang mga maliliit na mga bata.

Narito ang naging sagot ng ating mga sisters sa Facebook, unahin ko na rin ang sabi sa akin ng misis ko, Alhamdulillah.
----------
Misis Ko: Aalagaan ko na lang ang mga anak natin, at maghulog ka na lang ng pera panggastos namin. Hindi ko yata kayang mawalay sa kanila lalo't maliliit pa sila.
Injira M. Sarip: Salam..alagaan na lang ang mga maliliit na bata maiiwan sa Pinas ng asawang babae,kc

Ano ang Gagawin ng Babaeng may Gusto sa Isang Lalake?

Kanina ko lang ito naka-chat Alhamdulillah at alam nating may mga sisters tayo sa Islam na dumaraan sa ganitong pagsubok. Ang nagtatanong sa akin ay itinanong din lamang sa kanya. Tingnan ang aming naging pag-uusap, insha Allah ay mapupulutan natin ng aral.
----------
Nagtatanong: may isang sister tayong ***** taga ****** teacher po siya sa *****. Sa iyo ko i-refer ang katanungan niya.
ito tanong nya: Paano ba gawin o sabihin ng isang babaeng muslim sa isang lalaki na gusto niya itong maging husband?

Nalilito po Ako Dahil Dalawang Beses Akong Nagdarasal

Isang sister natin na balik-Islam ang nalilito kung tama ba ang kanyang ginagawa dahil minsan ay twice siyang nakapagdarasal sa isang salah. Pakibasa po ang aming maiksing pag-uusap at ito'y kapupulutan natin ng aral insha Allah.
----------
Sister: salam ustadz
Me: wa alaykumus salam
Sister: may itatanong po ako syo
Me: ano un? 
Sister: kc po 2x ako napapagulit ng dasal

Paano Ako Mag-aabaya ng Dahil sa Aking Trabaho?

Isang sister na balik-Islam ang humihingi ng payo kung paano makapag-abaya ng dahil sa kanyang trabaho. May kaunti akong binago sa aming pag-uusap subalit naroon pa rin naman ang mensahe at alam natin na marami sa mga
----------
Sister: papaano po pla hindi ako makapag suot ng abaya dahil sa trabaho ko
sa sales ako ******
everyday meeting outside with ********* po
Me: sabihin ninyo sa mudir ninyo na Muslim na kayo at kailangang magtakip.. (ito ay obligasyon ng bawat Muslimah para sa Allah)
magsuot po kayo ng abaya at pangdasal at ilagay ninyo sa inyong bag..
ganun na lang po gawin nyo..
Sister: ganon din nga po ang ipinayo ng ka office mate ko french sya converted din po
Me: tama po un..
karapatan po ninyo un..
lalo't kayo ay nasa Muslim country..
(Karagdagang payo, kung hindi papayag ang iyong mudir para magsuot kayo ng abaya ay sikapin na makahanap ng bagong trabaho kung saan ay maisasakatuparan natin ang mga kautusan ng Allah.)
----------
Aral: Sabi ng Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam:
(اِتَّقِ اللهَ حَيْثُ مَا كُنْتَ) رواه الترمذي حديث حسن
"Matakot sa Allah saan ka man naroroon." [Iniulat ni Tirmidhi, Hadith Hasan]
----------
Kung mayron po kayong karagdagang payo sa ating mga sisters sa Islam na dumaraan sa ganitong sitwasyon ay pakicomment lamang po sa ibaba. Jazakumullahu khayran.

Payo sa Akin ng Doktor sa Nararamdaman Kong Pangangasim sa Dibdib at Lalamunan

December 1 ng ipost ko ito sa aking Facebook wall: "Nitong mga nakaraang araw napapansin ko na nakakaramdam ako minsan ng pangangasim sa dibdib at umaabot hanggang sa aking lalamunan. Tapos ung laway ko ay maasim at idinudura ko na lang. Pero hindi naman nangangasim ang sikmura at ang tiyan ko. Minsan sa umaga ko nararamdaman, minsan naman sa gabi pero may times din sa hapon, although nawawala din naman siya. Tumatagal minsan ng 10-15 minutes. Ang ginagawa ko umiinom na lang ako minsan ng tubig or gatas, tapos may nagsabi sa akin na kapag nararamdaman ko raw ay kumain me ng biscuit na maalat. Ano kayang sakit ito? At anong gamot? Doc? Nurse? Sa may alam tungkol dito please reply. Maraming salamat."

Alhamdulillah at marami ang nagcomment at mayron din ang nagmensahe sa aking inbox, gantimpalaan sila nawa ng Allah. Ang iba ay nagsasabi na naglilihi daw me dahil nga buntis misis ko, ang iba nagsasabi ay heart burn daw yun o gastroesophageal reflux. Narito ang ibang nagbigay ng payo:

Paano Kung Ayaw ng Pamilya Ko sa Lalake?

Isa sa mga sisters na estudyante namin ng misis ko sa center ang naglapit ng kanyang problema sa atin dahil may lalakeng nais siyang pakasalan. Ang nasabing lalake ay balik-Islam at nasa ibang bansa. Subalit nabanggit niya sa umpisa pa lang na parang ayaw ng pamilya niya. Narito ang huling bahagi ng aming naging pag-uusap:
----------
Sister: dba my tanong ako sau nong nkaraan araw na ung lalake nsa *******, balik islam, tapos...... nakilala ko ung gawa ng ksama sya ng pinsan ko sa trabaho...
Me: ano sabi ng tatay mo?

Payag ang Misis Ko na Mag-asawa Ako Ulit ng Pangalawa Pero may Kondisyon...

Isa sa mga ipinahintulot sa ating mga lalake ng Allah ang pag-aasawa ng hanggang apat. Subalit di maiiwasan ang mga problemang kakaharapin at isa na rito ang kalagayan ng ating kapatid sa Islam na humingi sa inyong lingkod ng payo. Narito po:
----------
Brother: asalamualaykum brother
Me: wa alaykumus salam
Brother: musta ka na ustad
Me: Alhamdulillah bikhayr..
kayo po?
Brother: alhamdulillah! nabasa ko ung mga blog mo na nagbibigay ka ng mga advise sa tulad namin nangangailangan ng advice
Me: aiwa.. Alhamdulillah..
ano pong maipaglilingkod ko?
Brother: tungkol sa pag aasawa ng pangalawa hehe

Tama po bang Tanggapin ang Perang Bigay ng Boss Namin sa Kasama Kong Bagong Yakap sa Islam?

May nakachat ako kanina lang nung kagigising ko at may kasama siya sa trabaho na pumasok sa Islam at binigyan ng amo nila ng pera. Nagtatanong kung tama ba na tanggapin un ng bagong Muslim? Narito ang aming naging pag-uusap:
----------
Brother: Assalamu alaykum, may nagbalik-Islam dito kasama ko sa trabaho at binigyan ng boss namin ng regalo na pera, masama bang kunin yun?
Me: Wa alaykumus salam... hindi masama... ipaliwanag mo lang sa kanya na yan ay regalo dahil sa kasiyahan ng inyong boss.. dahil hindi naman lahat ng pumapasok sa Islam ay nabibigyan ng pera... baka mamaya ay ay iba ang pagkaunawa niya at ng iba... baka isipin nila na binabayaran ung pumapasok sa Islam.
Brother: Pumasok kasi sa isip niya na ibalik niya kasi akala niya ay sinusubukan lang siya ng boss namin.
Me: Sabihin mo rin sa kanya na magpasalamat sa Allah dahil ginabayan siya ng Allah sa Islam at sa regalo na natanggap niya, at magpasalamt din doon sa boss ninyo..
Brother: Maraming salamat po.
Me: Walang anuman.
----------
Aral: Sabi ni Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam:
(مَنْ لاَ يَشْكُرُ النَّاسَ لاَ يَشْكُرُ اللهَ) رواه الترمذي حديث حسن صحيح
"Sinuman ang hindi marunong magpasalamat sa tao ay hindi marunong magpasalamat sa Allah." [Iniulat ni Tirmidhi, Hadith Hasan Sahih]

Gusto Kong Yakapin ang Islam pero Nagbanta Misis Ko na Hihiwalayan Ako

Ang mga ganitong sitwasyon ay hindi lang isang beses nang naganap sa isang mister na nais yakapin ang Islam subalit nagbabanta ang misis niya na hihiwalayan siya at iniisip din niya ang kapakanan nila at ng kanyang mga anak. Kaya naman inilapit natin sa ating mga kapatid sa Islam sa Facebook kung ano ang magandang maipapayo sa mga katulad niyang may ganitong sitwasyon. Narito ang kanilang mga payo sa iyo, kabayan:
----------
Blas Oandasan: bro, isa yan s ibinigay n sitwasyon n aming tutugunan nung nsa hajj kmi, kumbaga knya knyang idea, sharing, at s ganyn n sitwasyon, mas mainam kng hndi muna sasabihin ng lalake kng taos puso

Mag-aasawa na ba Ako o Magtatapos Muna ng Pag-aaral?

Isa sa mga kaibigan ko ang nagbahagi ng nabigyan niya ng payo sa kanyang kaibigan na hindi ko kilala at di ko na rin inusisa kung sino siya, ang humihingi ng payo kung mag-aasawa ba siya samantalang plano pa niyang magpatuloy ng kolehiyo sa *******. Kung meron din kayong nabigyan ng mabuting payo ay maaari rin po ninyong ibahagi rito. Maraming salamat. Narito po ang kanilang naging pag-uusap at makukuhanan natin ng pakinabang lalo na sa mga binata.
----------
Brother: Akh, payuhan mo naman ako oh..
Ali: Ano yun? May problema ba? Baka makatulong ako kahit payo lang.. sa abot ng aking makakaya para sa kapatid ko sa Islam.
Brother: Gantimpalaan ka ng Allah. Nakahanda na ung mahr ko para sa kasal, pero ang problema ay…

Nalilito Po Ako Kung Sino sa Dalawang Babaeng Gusto Ko ang Una Kong Pakakasalan

Isa sa mga kaibigan kong nag-aaral sa Islam, at binata pa sa ibang bansa ang naka-chat ko habang nakaupo kami ng misis ko sa tapat ng bangko at kami'y nag-aabang ng taxi. Kahapon ko lang siya naka-chat. Hindi ganun kadetalye ung kwento niya kaya di ko pa ito mai-post pero dahil sa tingin ko ay kapaki-pakinabang ang naging pag-uusap namin kahapon ay pinili kong ipaskil na ito ngayon.

Alam nating lahat na maraming dumaraan sa ganito. At alam natin sa Islam ay maaaring mag-asawa ang lalake ng hanggang apat. Ang problema niya ay di niya alam kung sinong unang pakakasalan pero ang pinakamalaking problema niya ay wala raw siya balak mag-asawa ng higit sa isa. Mas mainam basahin niyo na lang ang aming naging pag-uusap. Narito:
----------
Brother: c *Girl1* klasmeyt ko xa since elem. tas mujahiddah at nkaniqab ngaun.. tas ung *Girl2* since hiskol ko pa un hinahabol hehehe...

Ako Po ay Autocad Grad at Naghahanap ng Trabaho sa Abroad

Isa sa aking mga kaibigan ang nakausap ko sa Facebook habang ako'y nakaupo sa aming sala at humihingi ng payo sa kapatid niyang naghahanap ng trabaho sa abroad. Badly in need daw po talaga. Kaya't sa aming mga mambabasa na may alam na open na trabaho o anumang maipapayo ay sabihan lang po ako o paki-comment po sa ibaba. Jazakumullahu khayran. Para maiparating ko rin po sa kanya. Narito ang aming naging pag-uusap:
----------
Brother: salaam!.u
Me: wa alaykumus salam
Brother: amiir, my nangangailangan ba jan ng Autocad grad?.u

Ang Bigat sa Puso na Nawala Mahal Ko Namatay Kasi Mister Ko

Nakatanggap ako ng mensahe sa aking Facebook inbox mula sa isa nating sister na ayon sa info ng kanyang account ay mula pa sa Basilan. Isang pangungusap lang ang kanyang mensahe subalit masyado itong tumatak sa aking puso. Kahit ako'y nakadama ng pagkalungkot ng mabasa ko ang kanyang mensahe kung saan namatay raw ang kanyang asawa at siya'y humihingi sa atin ng payo dahil mabigat raw sa puso niya ito at paano niya malalagpasan. Narito ang aking payo sa ating sister na nagliham.

Ako'y Balik-Islam at Hindi Ko Po Maintindihan ang Maranao na Khutbah sa Amin

Nakausap ko ang isang brother natin na ito habang kami ng misis ko ay nakasakay ng taxi. Dala-dala ko kasi ang aking laptop at USB modem ang net ko. Dahil na rin sa isa aking paraan ng da'wah ay ang Live Chat na dito matatagpuan sa www.islamforall.cc, at isa ako sa mga operators ng nasabing website. Dito ko nakausap ang ating brother na ang problema niya ay ung mga masjid daw sa Laguna ay puros Maranao ang khutbah at di niya maintindihan. Basahin po namin ang aming naging pag-uusap:

----------
[12:10:07]Brother: my name is __________ (Hindi na po mahalaga na makilala natin siya, kaya blanko po ang aking nilagay. Salamat sa pang-unawa.)
[12:10:24]Me: hello..
[12:10:30]Brother: I am a convert muslim....

Gusto kong Mag-asawa ng Pangalawa

Kani-kanina lang habang ako ay nasa amin pang silid-tulugan at pinakuha ko sa misis ko ang aming laptop at sabi ko na dalhin niya sa akin habang ako'y nasa higaan pa, ay nakachat ko sa Facebook ang isa sa aking mga kaibigan na nasa Saudi. At, siya'y humihingi ng payo dahil nais raw niyang mag-asawa ng pangalawa. May asawa na siya, katunayan, wala pang isang taon ang kanilang pagsasama at siya ay nasa edad na dalawampu't apat. Ang aming aktuwal na pag-uusap ay sa wikang Maranao dahil pareho kaming Maranao na taga-Lanao del Sur, kaya't isinalin ko sa wikang Tagalog ang aming naging pag-uusap. Nawa'y magbigay pakinabang sa ating lahat. Maraming salamat sa inyong pagbabasa. Narito:
----------
Brother: Hihingi din ako sa iyo ng payo, diba ang relihiyon ay pagbibigayan ng payo?
Me: Okey.
Brother: Pag-aasawa ng ikalawa.. eje.. anong magandang maipapayo mo?

Alin ang Dapat Manaig: Puso o Isip?

Para sa kauna-unahang suliranin na bibigyan natin ng payo ay isa sa aking mga Facebook friends ang humihingi ng payo kung alin ba ang dapat na sundin? Kung ang puso ba o isipan? At, ito'y hindi niya problema kundi mula lamang din sa kaibigan niya. Bago ko ito ipaskil ay humingi ako ng pahintulot sa kanya at hindi rin natin siya papangalanan. May kahabaan nga lamang ang aming naging pag-uusap subalit ipinapayo namin sa aming mga mambabasa na tapusin ito hanggang dulo upang maunawaang mabuti at kapulutan natin ng aral, insha Allah. Narito:
----------
Brother: Salam
Me: wa alaykumus salam
Brother: sa inyo ako madalas magtanong noon nung bago pa ako..
ngayon magtatanong ulit ako,
InshaAllah
Me: ano po tanong ninyo?
Brother: about sa puso at isip... Ano po ba ang dapat mangibabaw? ang puso ba o ang isip?