Pages

Gusto kong Mag-asawa ng Pangalawa

Kani-kanina lang habang ako ay nasa amin pang silid-tulugan at pinakuha ko sa misis ko ang aming laptop at sabi ko na dalhin niya sa akin habang ako'y nasa higaan pa, ay nakachat ko sa Facebook ang isa sa aking mga kaibigan na nasa Saudi. At, siya'y humihingi ng payo dahil nais raw niyang mag-asawa ng pangalawa. May asawa na siya, katunayan, wala pang isang taon ang kanilang pagsasama at siya ay nasa edad na dalawampu't apat. Ang aming aktuwal na pag-uusap ay sa wikang Maranao dahil pareho kaming Maranao na taga-Lanao del Sur, kaya't isinalin ko sa wikang Tagalog ang aming naging pag-uusap. Nawa'y magbigay pakinabang sa ating lahat. Maraming salamat sa inyong pagbabasa. Narito:
----------
Brother: Hihingi din ako sa iyo ng payo, diba ang relihiyon ay pagbibigayan ng payo?
Me: Okey.
Brother: Pag-aasawa ng ikalawa.. eje.. anong magandang maipapayo mo?

Me: masha Allah, serious ka? Kung sinong may kakayahan ay kailangang gumawa ng hakbang.
Brother: Anong magandang gagawin natin?
Me: Eh di mamanhikan ka na. Nasaan ba ung babae?
Brother: Ang problema kumbaga sa ano ay baguhan pa lang ako.. eje.. (ibig niyang sabihin ay bagong kasal lang siya at bata pa dahil 24 years old pa lang..)
Me: Kahit na, kondisyon bay un sa kasal?
Brother: hehe…
Me: Nasan ba ung babae?
Brother: Sa Marawi.
Me: Kilala ko?
Brother: Hindi yata.. hehe..
Me: Misis mo, alam niya?
Brother: Hindi niya alam.
Me: Ano tingin mo sa misis mo, papayag?
Brother: Alam mo naman ang mga babae, isa yan sa dapat nilang pagsakripisyuhan at pagtiisan..
Me: Oh di ayan palang desidido ka eh ano pang hinihintay mo? Alam mo naman ang sinabi n gating Propeta Muhammad sallallahu layhi wa sallam di ba?
Brother: Malakas talaga ung hangarin ko insha Allah.. ang gusto ko kasi ay ung may alam sa Islam.
Me: Masha Allah, mas mainam… at walang makahihigit sa ganyan.
Brother: Isa yan sa mga pangarap ko eh.
Me: Huwag kang mag-alala at hayan na insha Allah.
Brother: siguro kung bibigyan ako ng Allah ng anak ay tatawagin ko na lang na Umniyah, ano sa tingin mo? (Ang Umniyah ay salitang Arabe na ang ibig-sabihin ay pangarap.)
Me: maganda yan.. uunahan na kita eje.. joke..
Brother: Habang di pa ako nakakapili ng maayos ay maaari ka ring magrekomenda sa akin.
Me: May alam ako. Maranao ba gusto mo?
Brother: Hayan pala eh…. Oo… Totoo ba yan?
Me: Huwag mo akong ipapasubo ah? Siyempre totoo yan, meron bang pagbibiro sa pag-aasawa?
Brother: Akh, walang pasubo, at siyempre kailangan na lagyan ng plano di ba?
Me: Tama, huwag ka mag-alala magbakasyon tayo sa July insha Allah. Magkita tayo sa Marawi insha Allah. Maaaring August din kami makapagbakasyon. Ano sa palagay mo?
Brother: Maganda yan, kasi walang pasok…
----------
Aral: Kapag mayroon kang mabuting hangarin pagplanuhan itong mabuti at manalig ka sa Allah. Sabi ng Allah:
((فَإِذَا عَزَمْتَ فَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُتَوَكِّلِينَ)) سورة آل عمران:159
"Kapag ikaw ay desidido ay manalig sa Allah. Katotohanang naiibigan ng Allah ang nananalig sa Kanya." [Suratu Ali Imran:159]

1 comment:

  1. Fun88 Casino: What is online casino? | YetCasino
    The fun88 casino fun88 vin is online casino where you 카지노사이트 can play and win real money. But you should play the fun88 bk8 casino games online.

    ReplyDelete