Pages

Hirap Akong Maka-move on sa Nabigong Kasalan sa Babaeng Minamahal

Bawat isa ay nakakaranas ng problema sa buhay, pero siyempre ang pakatatandaan natin palagi na ito ay pagsubok mula sa Allah at tayo'y manalig sa Kanya palagi. Medyo mahaba itong aming naging pag-uusap ng isa sa aking mga nakachat sa FB. Hindi ko siya kilala at di rin nakita kasi wala rin siyang personal pics sa FB niya. Ang kanyang problema ay tungkol sa nabigong mapaksalan ang babaeng mahal niya. Basahin po natin at insha Allah ay kapupulutan natin ng aral.
----------
Brother: meron din sana ako hiling kung pwedi rin makahingi ng nasiha,.. if ok lng­ ­...
Me: pwede po insha Allah..
Brother: isang pagkakataon na to na masagot sana itong matagal konang dinidibdib sana bro. ma2longan mo ako ano maganda gawin ko.­ ­
Me: tungkol po saan?
Brother: hindi ko alam saan ako magsisimula,..­ ­
pano ko maxplain sau bro.­ ­
Me: mukhang maselan nga..
Brother: ganito kasi ito bro.­ ­
alhamdulillah meron din akong natotonan sa islamic studys at akoy nakapg aral dn­ ­
ng islam­ ­
at isa sa hangad ko ay maibahagi ko ang natotonan ko sa pamilya ko,relatives ko,.­ ­
Me: tuloy mo lng
Brother: at isa sa paraan nito ay sa pamamgitan na plano ko sa pag aasawa ko, at naisip ko na hindi ako lalabas sa pamilya namin,.­ ­
kung makakahanap ako ng isang babae ay dapat sa pamilya namin,­ ­
at ito ay gusto ko din sya,..­ ­
Me: aiwa.. kaso anong problema?
Brother: nung nahanap ko na ung isang babae napamahal ako s kanya ng lubos,..­ ­
siguro isa din itong pagsubok s akn bro.­ ­
hinidi ko po sya nagn syota bro,.. i mean na naisip ko na sya na siguro ang pipiliin ko na maging kabiyak,.­ ­
ng puso ko bilang asawa ko­ ­
pero s masamang palad di kami nagka2loyan,..­ ­
Me: anong dahilan?
Brother: at yung pamilya ng babae iba ang pinili­ ­
cguro dahil sa pera o anong ibang dahilan­ ­
tapos naghanap namn ako ng iba at sa mga pinsan ko dn,..­ ­
meron namn akong nahanap mashaallah multazima sya, ­ ­
kaso ganon dn bro. ang nangyari ayaw dn s akn ng pamilya ng babae­ ­
Brother: di rin natoloy hanggat sa nakapg asawa ako ng iba, pero alhamdulillah relatve ko rin,..­ ­
pero d2 ng problema bro­ ­
di mawala sa isipan ko dinidibdib ko talaga ito ung sakit at sama ng loob ko dun sa nauna na di nila ako tinanggap­ ­
hindi mawala sa isip ko, galit lsa kanila agi ang nararamdaman ko tuwing itoy naiisip ko,..­ ­
subhanallah cguro pagsubk s akn ito ng Allah­ ­
minsan naiisip ko na potolin at kalimotan na sila­ ­
Me: nakikita mo pa ba ung babae?
Brother: oo, at ung unang babae na papakasalan ko habang nakikita ko dn talagang napakasakit sa akn kasi dun talaga naholog ung puso ko s kanya,.. ­ ­
Me: kung kamag-anak mo sila ay hindi mo maaaring putulin ang pagiging kamag-anak mo sa kanila..
Brother: oo kamag anak ko sila lahat­ ­
Me: kung may kakayahan kayong lumipat ng ibang lugar ng misis mo ay mas maganda..
para maiwasan mo na nakikita mo siya..
Brother: hindi ko alam anong gagawin ko bro. sa tuwing nakikita ko silang pamilya,.. napapaiyak ako minsan, ­ ­
hindi lang kasi dun sa babae na un, dun sa mga pamilya nila, talagang pagnakikita ko sila lahat na galit ang nauuna s akin,­ ­
iniisip ko na ung himma ko s pamilya ay biglang napotol ang ibahagi s kanila ang natotonan ko,­ ­
Me: isipin mo bro na ang mga ito ay pagsubok sa atin ng Allah..
Brother: tama ka bro. pero kaht ganon pa man, di talaga mawala sa isipan ko,.­ ­
Me: isipin mo rin na kapag nakapag-sabr ka ay mababawasan ang iyong mga kasalanan at makakakuha ng gantimpala..
isipin mo rin na di lang ikaw ang dumaan sa ganyan.. at merong mas malala pa jan..
Brother: minsan naawa na dn ako sa asawa ko pati cxa nadadamay dahil parang napapansin nya na may itinatago ako s kanya,..­ ­
kasi hindi nya ito alam­ ­
Me: kasi atleast ikaw ay hindi mo siya naging syota, Alhamdulillah.. at wala ka gaanong naging effort kumbaga.. pero alam nating haram ang pagsisiyota sa Islam...
Brother: oo namn bro,.­ ­
ano ba ang magandang gawin kakalimotan ko silang lahat, o kung hindi namn pwedi anong magandang paraan makikitongo pa rin ba ako s kanila,..?­ ­
Me: hindi ba kayo pwedeng lumipat ng ibang lugar?
Brother: 2lad dn ng dati kung pakikitongo s kanila­ ­
kung lilipat man kami siguro mag iibang bansa nlng kami,..­ ­
Me: madalas ba kayo magkita nung babae?
Brother: hindi namn kaso sa internet ko lng cxa ngaun nakikita,..­ ­
Me: unfriend mo siya sa fb..
kasi fitnah siya sau..
at sa iyong pamilya..
Brother: wala sya s frindlist ko,­ ­
Me: mahihirapan kang makalimutan siya hangga't nakikita mo siya..
Brother: kaso di kasi maiwasan dun ko sya nakikita s ibang profile­ ­
Me: lahat ng paraan para hindi mo siya makita ay kailangan mong gawin like iblock mo fb niya..
at palakasin mo ang iyong iman sa Allah kasi siya ang makakagamot niyan para makamove on ka..
Brother: maliban lamang kung e delete ko lahat ng mga fren ko na pamilya ko, kasi dun ko nakikita s profile ng mga kapatid ko ­ ­
inshaAllah ung iman kay Allah ang dapat patibayn..­ ­
Me: basahin mo itong dua ng madalas
Brother: bro. kung may iba ka pang advice s akn send mo lng s akn s pm ko, hantayn ko lng­ ­
Me: اللهم أجرني في مصيبتي واخلف لي خيرا منها (Para sa hindi nakakabasa ay narito ang pagsasatitik nito: "Allahumma' jurni fi musibati wakhluf li khayram minha." Meaning: " Oh Allah, gantimpalaan Mo ako sa mga pagsubok ko, at palitan Mo ito ng higit na mas maganda rito."
nababasa ninyo yan? 
Brother: ah oo mashaAllah­ ­
Me: yan ang sunnah na dua kapag meron kang mga pagsubok..
sabi pa ng Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam:
من ترك شيئا لله عوضه الله خيرا منه 
(Para hindi nakakabasa ng Arabe ay narito ang pagsasatitik: "Man taraka shay an lillah 'awwadahullahu khayram minhu." Meaning: "Sinuman ang iwanan niya ang isang bagay (na masama) alang-alang lamang kay Allah ay papalitan ito sa kanya ni Allah ng higit na maganda kaysa rito.")
naiintindihan ninyo yang hadith?
Brother: oo alhamdulillah­ ­
Me: masha Allah..
may karanasan ang iba na ganyan.. mas mahirap kaysa sau..
pero ang naging solusyon ay umalis sa lugar na un Alhamdulillah..
kahit napakahirap...
Brother: ang s akin ay gusto ko na makalimotan ang ang pangalan ng pamilya nila sa isipan ko pero ang malaking problema apiledo ang apelido nila,­ ­
apiledo ko ang apiledo nila­ ­
Me: hindi mo magagawa yan bro..
kailangan mong tanggapin ang mga ito..
Brother: kasi na mahirap talaga bro.­ ­
Me: lilipas din yan..
it will take time
but time heal wounds, insha Allah
Brother: parang gusto ko din isumpa sa sarili ko na if may mga anak man ako inshaAllah na ipagbabawal ko s kanila,..­ ­
Brother: inshaAllah sana nga bro.­ ­
Me: haram yan.. malaking kasalanan yan sa Allah..
bakit mo naman isusumpa ang sarili mo?
isipin mo ang iyong pamilya..
sila ang tadhana mo ngayon..
sila ang ibinigay sau ng Allah
dapat kang magpasalamat
at makuntento
sila ang asikasuhin mo..
hindi mo na kailangang pagbawalan mga anak mo sa kanila..
lalo lang mo silang di makakalimutan..
life goes on..
kung patuloy mong pinapansin ang iyong problema..
ang solusyon talaga jan ay pagkalimot at tibay ng iman sa Allah..
na matanggap mo ung mga pangyayari..
karapatan un ng mga magulang niya.. at hindi mo maaaring ipilit..
Brother: salamat bro. sa payo mo s akn tama ka siguro,..­ ­
isali mo nlng ako s duah mo bro. na gabayan ako ni Allah at patibayn nya ang iman ko,...­ ­
salamat ulit akhi fillah... juzyta khairan...­ ­
Me: wa iyyak..
pasensiya na..
----------
Aral:
Sabi ng Allah:
((فاصبر صبرا جميلا)) سورة المعارج:5
"Magtimpi sa paraang mabuti." [Suratul Ma'arij:5]

2 comments:

  1. salam. sensya di ko masyado natapos ang pagbasa.ang letter sender b ay inborm Muslim o balik Islam, parang ang dating alang nang babae liban s kapamilya, s Islam, pwede ang mejo distant relative pero mas advisable ang di kaanak, may advantage ang ganito.. saganang akin lng po.. sensya mejo awkward lng saken nagbibigay kasi ng idea s ibang religion na talamak s Islam ang ganyan, mga magkakamag anak nag aasawahan.. salamat po..

    ReplyDelete
  2. wa alaykumus salam... ang kachat ko po ay born Muslim at distant relative niya ung babae.. tungkol naman sa pag-aasawa ng magpinsan ay hindi ito haram sa Islam.. anuman ang sabihin ng ibang relihiyon ay hindi na yun mahalaga sa atin dahil ang Islam ang nasa tama at sila ang nasa mali.. hindi po dapat maging awkward sa inyo ang bagay na ipinahintulot ni Allah kung saan maaaring maging mag-asawa ang magpinsan.. kahit pinsang-buo pa.. ito po ay mula sa Allah at Siya ang higit na nakakaalam ng tama.. salamat rin po.. sana'y mabago nito ang inyong pananaw.. :-)

    ReplyDelete