Pages

May Problema Kami ng Misis Ko na Nasa Ibang Bansa

Isa sa mga kaibigan ko sa totoong buhay ang humingi sa akin ng payo sa Facebook tungkol sa kanilang mag-asawa. Silang mag-asawa ay magkalayo na nasa magkaibang bansa at siyempre alam naman natin na dumarating talaga sa mag-asawa ang mga di pagkakasundo. Ang layunin natin dito ay makapulot ng aral at katulad ng dati ay hindi natin ipinakikilala ang mga taong involve sa usapin at ito ay may pahintulot ng aking kaibigan. Medyo mahaba ang aming naging pag-uusap pero insha Allah ay kapupulutan natin ng aral lalo na ng mga mag-asawa. Shukran sa pagbabasa.
----------
Brother: assalamu alaykum mer,.
Me: wa alakyumus salam
Brother: may problema ako mer,.. busy ka ba mer??
Me: ano problema mo?
Brother: mer,.
Me: misis mo?
Brother: ganito ba tlaga kapag talagang mahal mo ang isang tao??

Me: oo.. jajaja..
Brother: kahit na nasasaktan ka na,.. ay cgeh lang na dapat magpasensya,.
Me: oo..
Brother: minsan nagmumukha na akong tanga mer,.
Me: bkt nmn?
Brother: kasi mer sa totoo lang ilang beses nia na ako cnasaktan,. ano ba ang dapat kong gawin??
Me: paano ka niya sinasaktan? si *****?
Brother: basta maraming beses na mer,.
Me: emo tayo ngaun ah... cge.. ano ba ginagawa niya sau? or sinasabi?
Brother: nahihirapan kasi talaga ako,. gusto ko ng sumabog!!! marami na mer,.
Me: katulad ng alin? baka naman pride lang yan.. eje.
Brother: tulad nung isang araw nag***** dun sa ***** na ksama nila ung ***** nila,.
sabi ba nman nia,. *********************! audhubillah,..
Me: ano ibig-sabihn nya jan?
Brother: tapos cnabihan din ako na bahala na ako sa buhay ko! tapos sabay patay nung phone,. nagbibiruan lang daw cla,.
Me: malungkot lang un.. kaya niya nasasabi un..
Brother: napagtripan ung ***** na iun,.
Me: kelangan understanding u..asan ba ung pic? alam mo naman minsan ang mga babae... hindi nila makontrol ang kanilang mga bibig... kaya nga hindi ibinigay sa kanila ung karapatan ng talaq..
Brother: tapos ngaun nman parang ang gsto nia sabihin sakin na wala akong kwenta,.
Me: kasi kung may authority sila doon ay maraming masisirang pamilya..
Brother: na im not doing all that i can for her,.. masakit talaga sa puso mer,.. la ilaha ilallah,..
Me: masakit talaga yan.. lalo na't magkalayo kau.. dumaraan talaga ang marriage sa ganyan..
Brother: feeling ko nagmu2kha na akong tanga mer,..
Me: hnd nmn.. sandali.. salah lang me.. (nasa magkaibang bansa kami kaya wala pa ung oras ng salah sa kanila...)
Brother: itag ko sau tapos kapag nakita mo na mer ay i untag mo na,..
okei,. cgeh mer salah ka muna,.
(pagkaraan ng ilang sandali...)
Me: njn u?
Brother: dito mer,..
Me: cge pakitag..
Brother: WALA NA SA WALL NIA MER EH,.
Me: binura na niya.. it means inamin niya pagkakamali niya.
Brother: YUP,. naitag ko na mer,..
Me: binura na niya comment niya.. inamin niya pagkakamali niya.. patawarin mo na.. although mali talaga ginawa niya.. as in maling-mali.. lesson learned na sa kanya un..
Brother: nakita mo na mer?? binura nia kaagad mer,..
Me: oo..
Brother: ini untag mo na ba mer?? mer,. ano dapat kong gawin,.. lagi na lang magpasensya,. paulit ulit na lang eh,.. :( :(
Me: oo.. sabr lang.. malungkot lang kayo parehas..
Brother: inshaallah,.. inshaallah,.. pero nagmumukha na ata akong tanga mer,..
Me: hindi akh.. nangyayari yan kahit na kaninong mag-asawa.. wag kang mag-alala bigyan namin ng nasiha misis mo.. na maging masunurin sa iyo.. wag u mag-alala hnd ko sasabihin napag-usapan natin..
Brother: inshaallah,. mer,. shukran jazakallahukkahayran,. masunurin nman cia mer,. alhamdullilah,..
Me: tingnan mo ung mga kabutihan niya.. tingnan mo nga ung sakripisyo niya sa pagkuha sau..
alam mo akhuya.. kapag nakikita ko rin ung mga nagcocomment sa iyo ng mga babae..
naiisip ko magseselos talaga ung misis mo..
nabanggit ko nga sa kanya un.. sabi niya ok lang daw..
pero sa sarili ko alam ko nagseselos un..
Brother: ano pa cnabi nia??
Me: wala siyang sinasabi na masama tungkol sau..
pero ako ung nakakakita ng mga nagcocomment sau..
Brother: mer anung mga comment iyun??
Me: meron ung mga babae na nagsasabi na bakit di ka na nagtetext sa kanila..
bakit nakalimutan mo na sila..
meron ung i miss u..
nababasa ko sa wall mo..
hnd ko naman lahat sinasabi kay ******..
pero naiisip ko na makikita at makikita niya ito.
so un..
biruin mo pinagpapasensiyahan niya un.
masha Allah..
Brother: ahh,.. kasi cna ****** **** iun mer,.
pinsan ni ******,.. 
Me: kahit na.. hindi mo sila mahram..
Brother: alam ko un mer,.
Me: although siya ang may kasalanan nun..
Brother: kaya ndi ako natetetxt,.
Me: masha Allah.. huwag mong isipin na nagmumukha kang tanga..
sa LOVE lahat tayo tanga.. jajaja.. joke..
Brother: inshaallah,.. mer,.
Me: alam mo akhuya..
Brother: ndi ko alam mer,.. hhihi,..
Me: jajaja..
sa relasyon ng long distance mas mahirap ang sitwasyon ng babae..
yun ang isipin mo.. kung nahihirapan ka ay mas nahihirapan siya..
Brother: okei,.'
Me: kasi ikaw hahabul-habulin ka ng mga babae..
siya hindi..
kasi may mister na siya.. at ikaw yun..
ikaw pwd ka pang habulin ng mga babae..
kaya mas malaki ung pangamba niya..
nung dalaga nga siya ay modest siya..
lalo pa kaya ngayon..
na naka-lock na siya sau..
Brother: sabagay,...
Me: eh ikaw pwd ka pang maghanap ng tatlo pa..
Brother: may tama ka,.. hihihi
Me: hihihi..
nangyari din sa amin yan ng misis ko..
tanungin mo rin si ****** tungkol sa long distance marriage..
kaya mo yan..
at si ***** **** na 5 years mahigit sa *****...
masha Allah..
meron pa nga akong napanood kaninang umaga lang..
Brother: inshaallah mer,..
Me: 17 years silang hindi nagkitang mag-asawa..
pero andun pa rin ung pagtitiis..
masha Allah..
Brother: mashaallah,.. kabilib naman,.
Me: isipin mo pa ung mga nagkakalayo ng dahil sa daan ng Allah..
magbasa ka ng mga qissah (kuwento) ng mga salihin at mga ulama..
na nawalay sa kanilang mga pamilya..
tapos hayun at tuloy pa rin samahan nila..
Brother: copy that,.mer,..
Me: dapat kasi hindi lang love..
Brother: inshaallah,..
Me: mawaddah wa rahmah maal iman.. (meaning pagmamahal, awa at pananamapalataya)
oh hayan tama na muna yan..
kasi mahal talent fee ko.. jijiji...
Brother: hahaha,..
san kaya ako makakuwa ng kitab na na tungkol dun,..
utang na lang muna huh??
hahaha
Me: jajaja..
nakalimutan ko ung kitab na ganun..
dati may isang ikhwah sa **** na may kitab siya na ganun..
ang gaganda nung mga kuwento..
masha Allah..
sakripisyo...
Brother: inshaallah,. mer,.
salamat talaga sa payo,.
mejo nakakahinga na ako ng maluwag ngaun,. :)
Me: afwan..
may bayad yan..
bata ka pa nga.. jajaja..
masyadong emotional..
Me: it's just emotion that's takin' you over..
Brother: cguro nga mer,..
shukran talaga,.
----------
Aral: Sabi ng Allah:
((وَمِنْ آيَاتِهِ أَنْ خَلَقَ لَكُم مِّنْ أَنفُسِكُمْ أَزْوَاجًا لِّتَسْكُنُوا إِلَيْهَا وَجَعَلَ بَيْنَكُم مَّوَدَّةً وَرَحْمَةً إِنَّ فِي ذَلِكَ لَآيَاتٍ لِّقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ)) سورة الروم: 21
"At kabilang sa palatandaan ng Allah paglikha Niya para sa inyo mula sa inyong sarili, O kayong mga kalalakihan ng inyong mga asawa; upang mapanatag ang inyong mga kalooban at magkaroon kayo ng papamamahingahan, at ginawa Niya sa pagitan ninyo ang pagmamahal at awa. Katiyakan, sa paglikha ng Allah nito ay mga palatandaan para sa mga taong nagsusuri." [Suratur Rum:21]

2 comments:

  1. girl will always be a girl.. panlaban lang talaga ng babae ang kanyang dila, at dapat un ang pnaka malaking pagpapasensyahan ng mga kalalakihan lalo na sa asawa nito. pero sumusubra din minsan ang babae, pero ang lalaki as much as possible wag mong dagdagan o sabayan ang ingay ng babae.. dapat just stay calm, patience at pagmamahal parin ang ipakita mo sa kanya. tatahimik din ang babae at mananatili parin na asawa nito ang kanyang pinagsasabhan..

    ReplyDelete
  2. Salam Alaikoum nababatid nga at nasasad sa Qur'an na ang mga babae nararapat lamang maging submissive sa kanilang asawa at ito nman ang tama bagamat kung minsan my mga kalalakihan na sumosobra na din ang mga maling ginagawa. totoo nga na nasasaad din sa Qur 'an na ang kalalakihang Muslim ay maaring mag asawa ng isa hanggang apat ngunit nararapat na tratuhin at obligasyon nyang buhayin ang mga ito ng patas gayun din sa atensiyon at pag mamahal dapat pantay pantay bilang isang Muslim na babae dapat lang na ibukas ang loob at damdamin sa pag tanggap sa asawang lalake sakali mang magkaraon sya ng apat na asawa Alhamdulillah.

    ReplyDelete