Pages

Gusto Kong Yakapin ang Islam pero Nagbanta Misis Ko na Hihiwalayan Ako

Ang mga ganitong sitwasyon ay hindi lang isang beses nang naganap sa isang mister na nais yakapin ang Islam subalit nagbabanta ang misis niya na hihiwalayan siya at iniisip din niya ang kapakanan nila at ng kanyang mga anak. Kaya naman inilapit natin sa ating mga kapatid sa Islam sa Facebook kung ano ang magandang maipapayo sa mga katulad niyang may ganitong sitwasyon. Narito ang kanilang mga payo sa iyo, kabayan:
----------
Blas Oandasan: bro, isa yan s ibinigay n sitwasyon n aming tutugunan nung nsa hajj kmi, kumbaga knya knyang idea, sharing, at s ganyn n sitwasyon, mas mainam kng hndi muna sasabihin ng lalake kng taos puso
nya talaga ang pgyakap s islam(d kc ntin maiiwasan n mgduda ung asawa nya kc nga iba ang alm nila s mga muslim, kulang o wala sila alm kumbaga s totoong aral ng islam, lalu n s usaping pgaasawa, un kc kadalasan naiisip ng mga my asawa n or karelasyon, ehem isa aku dun pero gf lng.hehe), ang dapat nya gawin e akapin nya ang islam at isabuhay, mag-aral ng mg-aral ng mg-aral pra pguwi nya e alm n nya ang kanyang gagawin s pamilya nya, lalu n s asawa nya....pguwi nya dun nya ipakita ang ugali ng isang mabuting muslim(my sitwasyon dn n binigay dti panu pg ngalit hanngang mgtangkang mgpakamatay ang asawa at ayaw dn ng family ng babae), kung my aral xa s islam, inshaAllah mapapaliwanagn nya sila ng maayos, basta una s lahat hingi g tulong ky Allah, mgaral at ipakita nya ang ugali ng isang mabuting muslim, inshaAllah mauunawaan dn ng misis nya kng ganun ang ipapakita nya, lalu n ung pgiwas s mga ugali nya or ginagwa n mali n ayaw dti ng asawa nya, pkitahan nya ito ng magandang pgbabago pra maipakita nya s kanyang family ang taong may islam s buhay....

Nasser bin McArthur: salam kapatid! jazaakallahu khayran ganyan din ang madalas na ipinapayo namin sa mga bagong yakap ng Islam. may mainam na panahon kung saan natin sasabihin ang mga bagay, ang bawat isa na may asawa ang siyang nakakaalam at nakakakilala ng lubusan sa kanyang maybahay. kung nakita niyang madali nilang tanggapin huwag ding ipagwalang bahala sapagkat ang buhay ay pansamatala lamang baka bawian na lang tayo ng buhay o sila na hindi na nila nakilala o naipamuhay ang kagandahan ng pananampalatayang Islam. advice to read ang kasaysayan ng buhay ng mga sahabah na kung saan marami sa kanila ay mga yumakap din sa Islam mula sa malingng paniniwala. Allah guide us along the right path aameen...

Ibn Abdul Malik: tama ang sinabi ni bro. Blas yab din ang payo ni Omar Salcedo from ISCAG noong nag lecture sya dito sa oman. Mas mainam daw na huwag muna sabihin sa pamilya tapos alamin kung ano ang islam magaral ng magaral. Kumbaga daw alam na nyang "apoy" ang mapupuntahan ng pamilya nya bat pa sya tatalon sa apoy na un. The best way is magaral sya ng magaral saka nya e rescue ang family nya at syempre huming ng tulong sa allah.

Amirah Ampo: salamu alaykum po... i aggre with d first... n my own po but against my family DATI.. at first i told but prng negative response pero nung magcontinue po ako hearing ISLAMIC lectures... un ang ngpatatag sa akin { AT I AM ALWAYS GRATEFUL SA PATIENCE NG UNANG NAGTURO AT NAGPUPUMILIT SA AKIN]... dahil s knowledge... nging stronger po ako and later ..slowly..my family s seeing n it made a lot of dferences.. khit di ko lahat naipaliwanag dahil s bibihira lng ako nakakauwi.. somehow pagnakaharap nila ako they agree with it [ the teachings and the reality ].. Alhamdullillah..

Abdurrahman de Vera: Salam bro tama pao ang mga advice dagdag lang po ganyan po talaga ang mga dahlan halos karamihan ng mga gs2ng yumakap sa islam na natatakot po cla na bka mwala po ang asawa nya.masmaganda po na tanggapin nya ang islam at tapos magsaliksik sya wag po muna nyang ipaalam na yumakap na cya kapag marami na cyang alam about islam dun nya ipaliwanag kay mrs.alam natin kng QADAR yn kaht nd mag muslim c bro kng maghhwalay cla walang mkkpgil at kng mhal cya ng aswa nya kht anong decsyn nya sasama cya sknya.

Jasmin Jaji: salamu alaykum..alam m kapatid ko.kng ano ang sinasabi nang puso m.sundin m.alam m gayon ciguro masa2biyan nang asawa mo.dahil hindi pa niya alam kong ano ang tama,darating ang panahon mau2nawa an ka niya.may nabasa na akong isang libro isang pari ciya.may asaw at anak.tinakwil ciya pati magah magulang nang pari.piro cino2d parin niya ang puso niya.nag pakalayo layo ciya.nang napag aralan na niya ang islam.at alam na niya ang lahat saka pa ciya bumalik.at hinarap niya ang maga magulang niya.at alam mo.tinanggap ciya nang buong puso..kaya wag kang su2ko..kaya moyan.mag dasal kalang..at hindi ka paba2yaan niya magtiwa kalang..sana maka ka tulong sayo ang minsahi kng ito...good luck kapatid...

Me: Masha Allah, napakainam ng payo ng ating mga kapatid sa Islam. At, nawa'y gabayan po kayo ng Allah.
----------
Aral: Tanggapin natin ang Islam dahil ito lamang ang makapagliligtas sa atin mula sa apoy ng impiyerno. Sabi ng Allah:
((يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا قُوا أَنفُسَكُمْ وَأَهْلِيكُمْ نَارًا)) سورة التحريم:6
"O kayong mga mananampalataya ay iligtas ninyo ang inyong mga sarili at ang inyong mga pamilya mula sa impiyerno." [Suratut Tahrim:6]
---------
Kung kayo po ay nakalog-in sa Facebook ay maaari ninyong buksan dito ang kanilang mga payo.

No comments:

Post a Comment