Pages

Tama po bang Tanggapin ang Perang Bigay ng Boss Namin sa Kasama Kong Bagong Yakap sa Islam?

May nakachat ako kanina lang nung kagigising ko at may kasama siya sa trabaho na pumasok sa Islam at binigyan ng amo nila ng pera. Nagtatanong kung tama ba na tanggapin un ng bagong Muslim? Narito ang aming naging pag-uusap:
----------
Brother: Assalamu alaykum, may nagbalik-Islam dito kasama ko sa trabaho at binigyan ng boss namin ng regalo na pera, masama bang kunin yun?
Me: Wa alaykumus salam... hindi masama... ipaliwanag mo lang sa kanya na yan ay regalo dahil sa kasiyahan ng inyong boss.. dahil hindi naman lahat ng pumapasok sa Islam ay nabibigyan ng pera... baka mamaya ay ay iba ang pagkaunawa niya at ng iba... baka isipin nila na binabayaran ung pumapasok sa Islam.
Brother: Pumasok kasi sa isip niya na ibalik niya kasi akala niya ay sinusubukan lang siya ng boss namin.
Me: Sabihin mo rin sa kanya na magpasalamat sa Allah dahil ginabayan siya ng Allah sa Islam at sa regalo na natanggap niya, at magpasalamt din doon sa boss ninyo..
Brother: Maraming salamat po.
Me: Walang anuman.
----------
Aral: Sabi ni Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam:
(مَنْ لاَ يَشْكُرُ النَّاسَ لاَ يَشْكُرُ اللهَ) رواه الترمذي حديث حسن صحيح
"Sinuman ang hindi marunong magpasalamat sa tao ay hindi marunong magpasalamat sa Allah." [Iniulat ni Tirmidhi, Hadith Hasan Sahih]

No comments:

Post a Comment