Pages

Mag-aasawa na ba Ako o Magtatapos Muna ng Pag-aaral?

Isa sa mga kaibigan ko ang nagbahagi ng nabigyan niya ng payo sa kanyang kaibigan na hindi ko kilala at di ko na rin inusisa kung sino siya, ang humihingi ng payo kung mag-aasawa ba siya samantalang plano pa niyang magpatuloy ng kolehiyo sa *******. Kung meron din kayong nabigyan ng mabuting payo ay maaari rin po ninyong ibahagi rito. Maraming salamat. Narito po ang kanilang naging pag-uusap at makukuhanan natin ng pakinabang lalo na sa mga binata.
----------
Brother: Akh, payuhan mo naman ako oh..
Ali: Ano yun? May problema ba? Baka makatulong ako kahit payo lang.. sa abot ng aking makakaya para sa kapatid ko sa Islam.
Brother: Gantimpalaan ka ng Allah. Nakahanda na ung mahr ko para sa kasal, pero ang problema ay…

Ali: Anong problema dun?
Brother: Gusto ko munang makatapos ng college insha Allah at magpapatuloy akong mag-aral. Para back-to-back ika nga nila (ibig-sabihin ay nakapag-aral ng Arabic ang brother na ito na humihingi ng payo. Ibig sabihin ng back-to-back sa aming mga Maranao ay nakapag-aral ng Arabic and English.)
Kaya medyo mahirap kung makapag-asawa ako… ejeje.. Kailangan niya ako lalo na’t kung magkaanak kami.
Ali: Ah, so ibig mong sabihin ay di ka muna mag-aasawa.. ganun..
Brother: Ano sa tingin mo?
Ali: Una, kung mag-aasawa ka ay hindi niya kailanman mapipigilan ang iyong magagandang mga plano. Kumbaga parehas kayong okey at may income naman kayo kahit nag-aaral ka ay mag-asawa ka. Insha Allah yan ay mabuti para sa’yo. Marami sa mga kapatid natin dito ang nag-aaral ng Islam sa Saudi ang mga may asawa at may mga anak din at tuluy-tuloy naman ang kanilang magagandang mga plano.
Brother: Alhamdulillah.
Ali: Kung mag-aasawa ka ay natural na madadagdagan ang iyong responsibilidad. Kung sigurado kang mapipigil niya ung plano mo at kaya mong tiisin na hindi makagawa ng masama ay maaari ring tapusin mo muna plano mo.
Brother: Pero ang plano ko ay sa ******* ako magpapatuloy ng pag-aaral ng college ko.
Sa ngayon din ay kahit ano raw ang gusto ko, sabi ng nanay ko.
Brother: Ang problema pa eh kung magkaroon kami ng anak, problema kung parehas kaming busy.. eje.. maliban na lang kung magbibirth control kami… ejeje..
Ali: kapag nag-asawa ka na ay magiging katuwang mo siya sa kabutihan at kayo ay nakakapag-suportahan sa isa’t isa at tuluy-tuloy ka naman sa plano mo…
Brother: Ang ipapangasawa nila sa akin sa ngayon ay isang ******* insha Allah. Ang problema kung may anak na kami ay paano ako mag-aaral? Ejeje.. (Kung ako tatanungin mo ay madali lang yan insha Allah, kumuha kayo ng tagapag-alaga, or tumira kayo sa pamilya ninyo.. or bawasan mo ung units mo sa college at magsalitan kayong mag-asawa.)
Ali: Maganda yan masha Allah..
Hindi yan magiging sagabal insha Allah. Tingnan mo nga ung iba na ang dami-daming anak, nakaharang bay un sa pag-aaral nila?
Brother: Yun ang nasa isip ko kaya ako humihingi ng payo. Medyo nag-aalala rin ako baka di ko makaya.. ejeje..
Ali: Ayon na rin sa sinabi ko, basta’t may income kayo, (hayan at ******* pa magiging misis mo, insha Allah..) ay maganda na mag-asawa ka na. Iba rin talaga pag maaga kang nag-asawa, mas mabuti. Yang mga bagabag nay an at pag-aalala ay huwag mo nang isipin.. jeje..
Brother: Yun na nga… hahaha
Ali: Pag-isipan mong mabuti, kaibigan.. hehe.. di bale malaki rin ang gantimpala kung matutularan mo ung katulad ng pag-aayuno ni Propeta Dawud alayhis salam :-)
Brother: hahaha… tamam..
Ali: insha Allah kaibigan ay mag-asawa ka na. Ung mga bata ibang usapan na yun. Ang ganda pa nga kung mayron kayong mga anak, Allahu akbar. Isa yun sa mga biyaya at karangalan ng alim na may asawa lalo’t may anak dahil mas nagiging mabigat ung payo natin sa ating mga kapwa keysa sa mga wala pang asawa. Ano sa tingin mo? :D
Brother: Salamat sa iyo. At gantimpalaan ka ng Allah.
Ali: Walang anuman, kaibigan. Hiling ko sa Allah na makamit mo ang mabuti para sa iyo. Amin.
At magsalah ka rin ng istikharah ow…
----------
Aral: Sabi ni Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam:
(يَا مَعْشَرَ الشَّبَابِ مَنِ اسْتَطَاعَ مِنْكُمُ الْبَاءَةَ فَلْيَتَزَوَّجْ، فَإِنَّهُ أَغَضُّ لِلْبَصَرِ وَأَحْصَنُ لِلْفَرْجِ، وَمَنْ لَمْ يَسْتَطِعْ فَعَلَيْهِ بِالصَّوْمِ، فَإِنَّهُ لَهُ وَجَاءٌ.) رواه البخاري
"Oh mga binatang wala pang asawa, sinuman ang may kakayahan sa inyong mag-asawa, ay mag-asawa na. Sapagkat ito ay magiging pananggalang ng iyong mata at ari mula sa masama. At kung sino naman ang walang kakayahan ay mag-ayuno, at ito ang pipigil sa kanya (mula sa pagnanasa at paggawa ng masama). " [Iniulat ni Bukhari]

No comments:

Post a Comment