Pages

Nalilito Po Ako Kung Sino sa Dalawang Babaeng Gusto Ko ang Una Kong Pakakasalan

Isa sa mga kaibigan kong nag-aaral sa Islam, at binata pa sa ibang bansa ang naka-chat ko habang nakaupo kami ng misis ko sa tapat ng bangko at kami'y nag-aabang ng taxi. Kahapon ko lang siya naka-chat. Hindi ganun kadetalye ung kwento niya kaya di ko pa ito mai-post pero dahil sa tingin ko ay kapaki-pakinabang ang naging pag-uusap namin kahapon ay pinili kong ipaskil na ito ngayon.

Alam nating lahat na maraming dumaraan sa ganito. At alam natin sa Islam ay maaaring mag-asawa ang lalake ng hanggang apat. Ang problema niya ay di niya alam kung sinong unang pakakasalan pero ang pinakamalaking problema niya ay wala raw siya balak mag-asawa ng higit sa isa. Mas mainam basahin niyo na lang ang aming naging pag-uusap. Narito:
----------
Brother: c *Girl1* klasmeyt ko xa since elem. tas mujahiddah at nkaniqab ngaun.. tas ung *Girl2* since hiskol ko pa un hinahabol hehehe...

Me: sino mas gusto mo?
Brother: si *Girl1* first crush ko un sa elem. tas ung *Girl2* ay naghihintay din sakin...pwede both?
Me: pwd naman both.. pwedeng-pwede..kaya lang ang problem natin sino ang una mong pakakasalan?
Brother: hahaha kaso syempre ung *Girl2* sa *** nag-aaral tapos di na ngaun maxado conservative sa damit nya huhu
un na nga
Me: ganun ba then choose *Girl1*..
Brother: Huhu.. tska wala me plano sa polygamy.. takot ako sa mapapangasawa ko
as in? huhu
Me: aydaw.. wag u matakot..
oo kasi yan ang nasihah sa atin ng Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam..
Iman ng babae ang hanapin sa kanya..
at alam mo bang ang studies ng babae ay considered na kayamanan niya..
at palagay ko maganda yang si *Girl1*?
Brother: biniro ko ung *Girl2* about sa polygamy, snbi lng nya sakin wala pa dw nangyari na polygamy sa family nla.. tas si naman si *Girl1* sbi nya sang-ayon dun daw xa polygamy kc kautusan daw ng Allah pero ung jealousy ay nandoon pa rin daw
Me:naging student ko siya online.. at madalas ko napapansin sa fb.. naglalike ng islamic posts ko.. nagcocomment minsan..
masha Allah..
eh di unahin mo si *Girl1*..
Brother: aydow huhu...
Me: Bkt juju?
Brother: ung *Girl2* kc mismo alam nila ako sa family nila na ako ang aakyat sa kanilang anak...
lahat sila naghihintay insan...
Me: ganun.. kahit na.. hindi ka pa naman nakapamanhikan.. bakit nakipagkasundo ka ba sa family niya? Hindi naman masama yun.. marami man yang ganyan.. kahit sa misis ko bago pa ako nakapamanhikan maraming nagpaparinig sa kanya..
Brother: mga kapatid nya kc always sakin nangungumusta... tas ung mother nya kilala ako.. kc mother nya may past sila ni father ko hehehe
Me: kahit nung hindi pa siya nakakagraduate sa riyadh.. pero di nila inasahan un.. at mga kamag-anak at malalapit na kaibigan pa nila..
ganyan pala na may past sila ni father mo.. mas maganda na huwag na lang.. baka pagmulan pa yan ng away...
tapos ikaw na rin nagsabi na hindi na naghihijab ung *Girl2*..
ang mahalaga ay hindi ka pa nakipagkasundo sa kanila or namanhikan..
Brother: Maganda rin yan… huhu..
panu kong mas mahal ko ung *Girl2*?
Me: hayun ang problema.. sabi ko na nga ba.. jajaja..
tawakkal alallah.. marriage is not just about love..
and remember it's a commandment from Allah and sunnah of our Prophet sallallahu alayhi wa sallam..
isa pa mahal mo rin naman si *Girl1* di ba?
Brother: nanaw, gusto ko rin ung nkaniqab syempre...
Me: Ganun naman pala eh..
alam mo ang kasiyahan sa pag-aasawa ay ung may pananampalataya..
kasi pag nag-asawa ka ng babaeng kulang sa kanya ung iman ay malaki magiging problema mo..
Brother: tsk.. tsk tsk... anu magandang gawin ? hintayin ko na may nauna sa kanilang dalawa na makasal tapos ung natira ang pipiliin ko?
Me: lalo't hayan at ikaw ay nag-aalim.. (means nag-aaral ng Islamic Shariah)
Brother: Yun na nga eh...
Me: ipopost ko sa blog ko ow insha Allah..
but i will mention no names ow..
at masabar si misis aken..
at mintin ako niyan kapangosiyati..
Brother: okay.. make a story insan... tanx sa advice.. patym na rin ako.. update lng..
Me: ang ganda ng story mo masha Allah..
afwan..
don't forget the advice of our Prophet sallallahu alayhi wa sallam sa pagpili ng asawa..
Brother: ana abangan ko yan.. advice me olwes owm
Me: insha Allah.. thanks sa tiwala..
----------
Aral: Pakatatandaan muna natin na bawal sa Islam ang bf/gf relationship at sa pagpili naman ng asawa ay pillin ang may pananampalataya at takot sa Allah. Sinabi ni Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam:
(تُنْكَحُ الْمَرْأَةُ ِلأَرْبَعٍ : لِمَالِهَا وَلِحَسَبِهَا وَجَمَالِهَا وَلِدِيْنِهَا، فَاظْفَرْ بِذَاتِ الدِّيْنِ تَرِبَتْ يَدَاكَ) رواه البخاري
"Ang babae ay pinapakasalan dahil sa apat na dahilan: Dahil sa kayamanan niya, angkan niya, ganda niya, at pananampalataya niya. At piliin mo ang may mananampalataya (may takot sa Allah), kung hindi ay kawawa ka.”

1 comment:

  1. Ma-sha-ALLAH... Nakakatawa naman ang kwento niya. Pakasalan mo na lng yung dalawa, unahin mo si GIRL 1 kc payag naman sa Polygamy, at kung mahal ka ni Girl 2, papayag siya na pakasal sayo, in-sha-ALLAH... :-)

    ReplyDelete