Pages

Paano Kung Ayaw ng Pamilya Ko sa Lalake?

Isa sa mga sisters na estudyante namin ng misis ko sa center ang naglapit ng kanyang problema sa atin dahil may lalakeng nais siyang pakasalan. Ang nasabing lalake ay balik-Islam at nasa ibang bansa. Subalit nabanggit niya sa umpisa pa lang na parang ayaw ng pamilya niya. Narito ang huling bahagi ng aming naging pag-uusap:
----------
Sister: dba my tanong ako sau nong nkaraan araw na ung lalake nsa *******, balik islam, tapos...... nakilala ko ung gawa ng ksama sya ng pinsan ko sa trabaho...
Me: ano sabi ng tatay mo?

Sister: wla nko akong tatay at hnd kopa cnabi sa knila
Me: kelangan mo kung ganun magpaalam sa uncle mo.. 
or mga kuya.. kapatid na lalake..
Sister: ok ustadz paano kong ayaw nlang tangapin kc balik islam un
hnd ako pwd mgpakasal sakanya
Me: oo.. hindi kayo pwedeng ikasal kasi sila ang wali mo..kailangan mong mag-sabr.. pero palagay ko hindi naman ang pagiging balik-Islam ang dahilan..
maaaring dahil di nila kilala ung lalaki at siyempre tungkulin ng iyong pamilya na alagaan ka..
un ang iniisip nila..
lalo't sa sitwasyon mo na malayo pa sa iyo ung lalake na un..
at kelangan mo malaman na haram ang bf-gf relationship..
payo ko doon sa lalake kausapin niya pamilya mo.. kung talagang seryoso siya na pakasalan ka..
dun makikita na talagang seryoso siya at hindi tama ung ginagawa niya na ikaw ang kinakausap..
ang Islamic way ay ung lalake ay pupunta sa wali ng babae..
At siyempre kailangan niyang mapatunayan na siya ay mabuting lalake para sa iyo...
At pinakamainam na makapunta siya sa iyong pamilya ng personal.. para magkakilanlan sila..
insha Allah papayag yan sila.. at samahan mo ng dua sa Allah na magkatuluyan kayo sa mabuting paraan...
Sister: cge poh ustdaz sbihin ko s kanya handa nman sya ako lng ang ayaw kc sbi ko pguwi ko nalang bgo nya kausapin ang magulang ko.... Jazakumullah khairan ustadz
----------
Aral: Sabi ng Allah:
((وَلَكِن لاَّ تُوَاعِدُوهُنَّ سِرًّا إِلاَّ أَن تَقُولُواْ قَوْلاً مَّعْرُوفًا)) سورة البقرة:235
"Subalit huwag kayong mangangako sa kanilang mga babae ng sikreto, maliban lamang sa mangusap kayo sa tamang paraan (ito ay yaong pagpunta sa wali ng babae at mamanhikan)." [Suratul Baqarah:235]

1 comment:

  1. MGM Resorts' proposed $200 million resort casino gets mixed
    Casino gaming revenue for the Las Vegas resort. Revenue is now 서귀포 출장마사지 $2.3 billion. MGM Resorts said 토토 사이트 홍보 Wednesday 군포 출장안마 that 대구광역 출장샵 a proposed 영주 출장안마

    ReplyDelete