Pages

Payo sa Akin ng Doktor sa Nararamdaman Kong Pangangasim sa Dibdib at Lalamunan

December 1 ng ipost ko ito sa aking Facebook wall: "Nitong mga nakaraang araw napapansin ko na nakakaramdam ako minsan ng pangangasim sa dibdib at umaabot hanggang sa aking lalamunan. Tapos ung laway ko ay maasim at idinudura ko na lang. Pero hindi naman nangangasim ang sikmura at ang tiyan ko. Minsan sa umaga ko nararamdaman, minsan naman sa gabi pero may times din sa hapon, although nawawala din naman siya. Tumatagal minsan ng 10-15 minutes. Ang ginagawa ko umiinom na lang ako minsan ng tubig or gatas, tapos may nagsabi sa akin na kapag nararamdaman ko raw ay kumain me ng biscuit na maalat. Ano kayang sakit ito? At anong gamot? Doc? Nurse? Sa may alam tungkol dito please reply. Maraming salamat."

Alhamdulillah at marami ang nagcomment at mayron din ang nagmensahe sa aking inbox, gantimpalaan sila nawa ng Allah. Ang iba ay nagsasabi na naglilihi daw me dahil nga buntis misis ko, ang iba nagsasabi ay heart burn daw yun o gastroesophageal reflux. Narito ang ibang nagbigay ng payo:

----------
Rajashaman Cauyag Tomawis: ustadj, you really have to seek and see the doctors....whatever it is get well soon :-)
Iftehan Mawlana: oo nga ustadh baka ikaw ang naglilihi..myron kyang ganyan sa mga naririnig q..hehe
Abdullah Nelson Taguiang: salamualaycom ustad..mas mbuti po na mgchk up nlang po kau..at wg po kayo mgpalipas ng gutom.tama po un stelerize na milk at biscuit,gnyn dn po ako dati nung ngwowork ako blang salesman alhamdulillah nawala din po.m4tnte po aftr kmain wg po kau mgbubuht ng mbgat rlax lng po
Zaid Dianalan Mustapha: ang tawag jan ay heartburn and reflux...If may "GAVISCON" jan ay bumili ka at mwwla ka agad yan...3 mins. b4 u eat ay take the medicine...
Al-Qualed Harumein: salam akh,. mukhang simpleng acid reflux lang naman yan., bali ang nangyayari nean eh ung esophageal sphincter o ung bandang parang nagcloclose sa bituka eh nagbubukas at ung asim na nararamdaman mu eh ung acido na na accumulate sa bituka..,
payo ko lang na wag kang humiga agd pagkatapos kumain, at iwasan ung gulpihang kain.., may over the counter drugs na H2 blocker o antacid naman na nabibili.., after 3-5 days na paring nangyayari better talk to your Doctor..,
"no Muslim is afflicted with harm because of sickness or some other inconvenience, but that Allah will remove his sins for him as a tree sheds its leaves." (Ito po ay hadith ng ating Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam.)
Jelah Noor: (isang doktora) Assalamu alaykom Ustad..
---Gastroesophageal Reflux, tagalog: Umaakyat na pagkain na maasim. Ang bituka ay natural na may acid. Pag hindi narelax ang esophagus, umaakyat ang acid kaya maasim ang panlasa pero hindi maasim sikmura mo. Nararamdaman mo sa umaga kasi tumataas acid pag nakahiga ng matagal kaya kinabukasan, maasim. Pag hapon or gabi, un ay depende sa kinain mo or walang laman tiyan. 
Dapat IWASAN: wag uminom ng GATAS (nakakataas ng acid), mga maaasim, spicy, softdrinks, coffee
PWEDE: Water, biscuits, medyo maalat ng kunti lang, small frequent meals. unahin muna ang tubig bago kumain. humiga sa left side (kasi nakaposisyon ang bituka sa left)
Since sabi mo mahal ang check-up, may over the counter na meds. Ang mura ay MAALOX CHEWABLE tablet, durugin ng ngipin tapos hayaang matunaw sa bibig, 3x a day, 30 mins BAGO ang meals. Ang mga mahal naman ay OMEPRAZOLE 20mg, 1 tab 2x a day 30 mins to 1 hr BEFORE meals OR OMEPRAZOLE 40mg, 1 tab once a day pagkagising na pagkagising mo. Dapat walang laman ang tyan para macoat ang acid at hindi umakyat. Sana kahit ito man lang maitulong ko sa mga tulong mo sa akin.
----------
Aral: Sabi ng Allah:
((فَاسْأَلُواْ أَهْلَ الذِّكْرِ إِن كُنتُمْ لاَ تَعْلَمُونَ)) سروة الأنبياء:7
"Magtanong kayo sa nakakaalam kung hindi ninyo nalalaman." [Suratul Anbiya':7]
----------
Kung kayo ay nakalog-in sa inyong Facebook ay maaari ninyong mabasa dito ang iba pang payo ng ating mga Facebook friends.

5 comments:

  1. para kay doktora jellah noor.. ang tatay ko po ay nagdadialysis kagagaling lang nya sa hospital pag uwi namin panay na sinok at suka pero puro laway lang naman po.. dinadaing nya yung sikmura nya... maasim sa pakiramdam... isa rin po syang muslim... sana po matulungan nyo po ako..

    ReplyDelete
  2. Ano po ba ung gamot o dapat inumin sa nangangasim na panlasa..

    ReplyDelete
  3. Assañamo alaykom..ano po ba ang gamot sa nararamdam ko ko maasim po ang laway ko tapus po nasisikmura po ako..minsan po masakit ang sikmura ko po...salamat po..sukran...

    ReplyDelete
  4. Assañamo alaykom..ano po ba ang gamot sa nararamdam ko po maasim po ang laway ko tapus po nasisikmura po ako..minsan po masakit ang sikmura ko po...salamat po..sukran...

    ReplyDelete
  5. Tanong lang po ano po ba gawin ko sa along asawa na nangangasum at nagduduwal na po sya. Do po sya buntis

    ReplyDelete