Pages

Payag ang Misis Ko na Mag-asawa Ako Ulit ng Pangalawa Pero may Kondisyon...

Isa sa mga ipinahintulot sa ating mga lalake ng Allah ang pag-aasawa ng hanggang apat. Subalit di maiiwasan ang mga problemang kakaharapin at isa na rito ang kalagayan ng ating kapatid sa Islam na humingi sa inyong lingkod ng payo. Narito po:
----------
Brother: asalamualaykum brother
Me: wa alaykumus salam
Brother: musta ka na ustad
Me: Alhamdulillah bikhayr..
kayo po?
Brother: alhamdulillah! nabasa ko ung mga blog mo na nagbibigay ka ng mga advise sa tulad namin nangangailangan ng advice
Me: aiwa.. Alhamdulillah..
ano pong maipaglilingkod ko?
Brother: tungkol sa pag aasawa ng pangalawa hehe

Me: ano po un? eje..
Brother: ganito po kasi yan. i was married for more than 11 years to my current wife now thru arranged marriage ika nga. she is a widower with two kids. until now di pa kami nagkakaanak. di ako cgurado kung ako ang may problema. gusto ko mag asawa ng pangalawa kaso naawa ako sa kanya kc alam kong di madali ang mag asawa ng pangalawa.
Me: nabanggit po ba ninyo sa kanya ung plano ninyo?
Brother: di ko cnabi sa knya ng formal na pag sasabi pero pag biniro ko sya umiiyak na lang siya at gusto nya di raw sya papayag hangang di ko sya nabigyan ng bahay at sasakyan pati pang negosyo daw kaso kung iiponin ko naman un baka aabutin ng ilang taon pa hehe
Me: kung hindi po kayo natatakot na maging makatarungan sa inyong mga asawa ay mag-asawa po kayo ng pangalawa..
at kung desidido talaga kayo ay manalig po kayo sa Allah..
naiibigan ng Allah ang mga nananalig sa kanya..
karamihan talaga sa mga babae na hirap mapapayag sa ganyang sitwasyon...
dalhin nyo po sila sa mga seminars na tinatalakay ang kahalagahan ng pag-aasawa ng pangalawa..
o kung may alam kayong mga lalake na may higit sa isang asawa na kausapin ninyo na ipakausap sa asawa mo ang isa sa mga misis niya..
insha Allah makakatulong ito para makumbinsi ang inyong misis..
Brother: salamat brother
Me: gayundin dalasan ninyo ang pagbibigay ng nasihah sa inyong misis.. at palakasin ang kanyang iman..
Brother: maghahanap pa ako ng pangalawa na may strong faith na tatangapin nya maging pangalawa
Me: tungkol naman dun sa kondisyon niya na mabigyan siya ng sasakyan, bahay at negosyo ay hindi po yun katanggap-tanggap na kondisyon para kayo ay mag-asawa ng pangalawa at hindi dapat maging sagabal..
pero kung kakayanin ninyo ay mas mainam.. pero kayo na rin nagsabi na mga ilang taon pa insha Allah..
Brother: nararamdaman ko lang na takot siya baka pag nakapag asawa ako na iiwanan ko siya pero di ko kayang gawin un kung iiwanan ko siya de noon pa
Me: tama rin po na maghanap kayo ng pangalawa na papayag din.. kasi bihira din ang babae na pumapayag na maging pangalawang asawa..
aiwa.. kung ganyan po ay ipakita at iparamdam ninyo sa kanya na hindi niyo siya iiwan... lalo't mayron siyang mga anak..
malaking gantimpala ang makakamit ninyong dalawa..
Brother: kaya nga naghahanap pa sa ngayon isama nyo ako sa preyer nyo na bigyan ng lakas ng Allah para makapag asawa ulit
salamat brother sa advise ninyo. asalamualaykum!
Me:
afwan..
wa alaykumus salam..
ipopost ko po ito doon.. insha Allah.. don't worry I won't mention names.. para mapakinbangan ng ibang may probleman ng katulad sa inyo.. jazakumullahu khayran..
----------
Aral: Sabi ng Allah:
(( فَانكِحُواْ مَا طَابَ لَكُم مِّنَ النِّسَاء مَثْنَى وَثُلاثَ وَرُبَاعَ فَإِنْ خِفْتُمْ أَلاَّ تَعْدِلُواْ فَوَاحِدَةً)) سورة النساء:3
"At mag-asawa kayo ng makabubuti para sa inyo na mula sa mga kababaihan ng dalawa, o tatlo, o apat, subalit kung natatakot kayong maging makatarungan sa kanila ay isa." [Suratun Nisa':3]

4 comments:

  1. kaya ba niya ...... na pantay ang feelings niya sa dalawang asawa???... baka sa hindi niya pagkaroon ng anak ay baka may diperensiya siya... let him have himself check... to make it sure na hindi siya BAOG.... othwerwise..he will create another problem... one thing for sure.... the second wife wants to have children too.... WHAT!!! KUNG BAOG SIYA N FOUND OUT TOO LATE..ANO GAGAWIN NIYA???? DI BA more or less thats why he wants to have another wife; to have children as he doesnt have despite of being married for 11 years??? well....

    ReplyDelete
  2. Regarding po sa feelings sa mga asawa ay hindi un kabilang sa mga bagay na kontrolado ng tao, natural na talaga na meron at meron kang mas matimbang ang pagmamahal, kahit ang Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam ay ganun, at ang tinutukoy po na katarungan sa ayah na ibinigay natin ay yaong sa karapatan ng bawat isa na maibigay niya, panahon, gastos, pangangailangan at iba pa. Tungkol naman dun sa issue ng baog, maaaring tama po kayo pero kung minsan kasi ay maaaaring magkaanak ang lalake sa ibang babae. At yan ay napapatunayan. Higit sa lahat ay ang Allah ang siyang nagbibiyaya sa atin ng anak. Maraming salamat po sa payong inyong naibahagi.

    ReplyDelete
  3. assalamualaykomwarahmatallah wabarakatu.

    ReplyDelete
  4. Asalamualaykum ustad
    Merun lang ako tanong tungkol pwede ba makipag hiwalay ang mister KO DAhilan gusto nya mag asawas ulit kahit pinapayagan KO xa mag asawa ulit gusto nya makipag hiwalay pero ayaw KO po makipag hiwalay ligal po ang kasal namin.

    ReplyDelete