Pages

Ano ang Gagawin ng Babaeng may Gusto sa Isang Lalake?

Kanina ko lang ito naka-chat Alhamdulillah at alam nating may mga sisters tayo sa Islam na dumaraan sa ganitong pagsubok. Ang nagtatanong sa akin ay itinanong din lamang sa kanya. Tingnan ang aming naging pag-uusap, insha Allah ay mapupulutan natin ng aral.
----------
Nagtatanong: may isang sister tayong ***** taga ****** teacher po siya sa *****. Sa iyo ko i-refer ang katanungan niya.
ito tanong nya: Paano ba gawin o sabihin ng isang babaeng muslim sa isang lalaki na gusto niya itong maging husband?
Me: sabihin niya sa tatay niya
pwede niyang ipadaan sa nanay niya para siyang magsabi sa tatay niya..
pwede rin niyang sabihin sa mga Alimah (mga babaeng may alam sa Islam) para matulungan sila nito dahil sila ay maunawain pagdating sa ganyang mga bagay.. at sila ang magparating nito sa wali ng babae..
Nagtatanong: aiwa...is there no other way brother?
ibig sabihin ang tatay nya ang kumausap sa lalaki?
or ang kanyang nanay ang kakausap sa lalaki?
Me: oo... ung tatay ang kakausap sa lalake
Nagtatanong: shukran po.
brother, ano ba yong 4 na bases natin sa pagpili ng mapangasawa: correct me i am wrong: (1) His/her deen; (2) his/her character; (3) wealth/education; (4) physical beauty (tama po ba brother)
Me: hindi apat na bases..
ang ibig sabihin niyan ay apat na reason kung bakit pinipili ng lalake ang babae..
ang basehan lang jan ay ung iman (DEEN)
sabi ng Propeta sallallahu alayhi wa sallam sa bandang dulo niyan ay:
"Piliin mo yaong may takot sa Allah, kung hindi ay kawawa ka."
Nagtatanong: tama po...ito din ba ay para lamang sa pagpili ng babaeng mapangasawa? hindi ito applicable sa mga babaeng pipili ng maging husband?
Me: ang basehan ng babae sa lalake ay iman at ugali ng lalake..
un ang sabi ng Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam
Nagtatanong: so u mean brother, yong 2 lamang ang gawing basehan ng isang babae sa pagpili ng maging husband.
Me: oo
Nagtatanong: yong Wealth/education at Physical handsomeness ay hindi na?
Me: secondary na lang ung kayamanan, kaguwapuhan, lakas atbp na magaganda dun sa lalake..
kumbaga bonus na lang yan..
Nagtatanong: mashaallah...may ALLAH reward you for sharing ur knowledge to me...
----------
Aral: Sabi ni Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam:
(إِذَا جَاءَكُمْ مَنْ تَرْضَوْنَ دِيْنَهُ وَخُلُقَهُ فَأَنْكِحُوْهُ، إِلاَّ تَفْعَلُوْا تَكُنْ فِتْنَةٌ فِي اْلأَرْضِ وَفَسَادٌ. قَالُوْا : يَا رَسُوْلُ اللهِ! وَإِنْ كَانَ فِيْهِ؟ قَالَ: إِذَا جَاءَكُمْ مَنْ تَرْضَوْنَ دِيْنَهُ وِخُلُقَهُ فَأَنْكِحُوْهُ. ثَلاَثَ مَرَّاتٍ) رواه الترمذي حديث صحيح
"Kapag dumating sa inyo (ang isang lalake na nais mag-asawa) at naiibigan ninyo ang kanyang relihiyon (may takot sa Allah) at ang kanyang pag-uugali ay paasawahin ninyo siya, kung hindi ninyo ito gagawin ay kakalat ang kasamaan at pagkasira." Sabi nila (ng mga Sahabah), "O Sugo ng Allah! Kahit kaunti ang kayamanan nito o galing sa maliit na angkan o hindi kaguwapuhan?" Ang tugon ng Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam ay, "Kapag dumating sa inyo (ang isang lalake na nais mag-asawa) at naiibigan ninyo ang kanyang relihiyon (may takot sa Allah) at ang kanyang pag-uugali ay paasawahin ninyo siya. (Tatlong beses niya itong inulit tanda lamang na ito ay napakahalaga at hindi dapat balewalain.)"

2 comments: