Pages

Sasama ba Ako sa Mister Ko sa Abroad o Aalagaan na lang ang Aming Maliliit na mga Anak?

Matutulog na sana ako ng aking qaylulah (afternoon nap) nang biglang may napatanong. Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya kaya itinanong ko sa mga sisters sa Facebook. Nagsasalah kasi ang misis ko ng Salatuz Zhuhr kaya di ko naitanong agad sa kanya pero nagbigay din naman siya ng payo pagkatapos niyang magsalah dahil inopoen ko rin sa kanya.

Ang tanong na ito ay maraming beses ng nangyari at mangyayari pa insha Allah. Kung saan ang mister ay mag-aabroad at maaaring sumama sa kanyang ang kanyang misis subalit maiiwan naman ang maliliit nilang mga anak. Nalilito ang misis kung sasama ba sa mister niya o aalagaan na lang ang kanilang mga maliliit na mga bata.

Narito ang naging sagot ng ating mga sisters sa Facebook, unahin ko na rin ang sabi sa akin ng misis ko, Alhamdulillah.
----------
Misis Ko: Aalagaan ko na lang ang mga anak natin, at maghulog ka na lang ng pera panggastos namin. Hindi ko yata kayang mawalay sa kanila lalo't maliliit pa sila.
Injira M. Sarip: Salam..alagaan na lang ang mga maliliit na bata maiiwan sa Pinas ng asawang babae,kc
hnd talaga mapapantayan ang kalinga at aruga ng isang nanay.
Muslimah Da'e: assalamu alaykum wa rahmatulahi wa barakatu...para po sa tulad kung wala pa pong anak eh mas gugustuhin ko pong alagaan ang mga bata,mahirap po kasi sa mga bata ang mapalayo sa kanilang magulang lalo na sa ina.......kailangan talaga ang kalinga ng isang nanay sa mga anak yan lang po maisasagot ko po...
Najera Bato: simpli lng sa akin .....much better to take care of your child because the mother was the resposible to take good care of her child to teach in a good manner...pwde nmn magkatrabaho d2 sa pinas ung asawa mo basta lng my sariling sikap..
Midah S. Diator: Wsalam, alaagan n lng ang mga anak, while naghahanap buhay ang mister, dhil walang kapantay ang pag aalaga ng ina sa knyang mga anak. ganun pa man obligasion nman nten alagaan @ gabayan ang mga anak nten db? assuming n may mga anak din ako..
Sarah: Our children will always be our children and our obligation with them will never end since birth and for as long as they need us. Kung ang mga bata ay maliliit pa higit nilang kailangan ang gabay at pag aalaga ng kanilang NANAY dahil ang stage ng pagiging bata ay ang mahalagang pundasyon ng kanilang pagkatao. Diyan sila nag uumpisang matuto MAGBASA MAG SULAT MAGDASAL AT MAKILALA ang TAGAPAG LIKHA. It will be the foundation as a person. Ito rin ang paraan upang mailapit mo ang iyong mga anak sa iyong asawa na nasa ABROAD upang maipakilala mo siya sa kanila sa pamamagitan ng iyong mga kwento litrato at CHAT (SKYPE OR YAHOO)..
Mai Parcol: salam ako din po wala pa pong anak, pero para po sa akin aalagan ko po ang aking mga anak, dahil magalaala din po ako kong anong mangyari sa kanila habang wala ako sa tabi nila hnd rin ako matatahimik habang iniisip ko kong ano na kalagayan nila o inaalagaan ba sila ng mabuti ng nag aalaga sa kanila,,,ok lang malayo sa mister alam ko naman naghahanap buhay para sa amin ng mga anak namin,...sukran
----------
Sa survey na ibinigay ko sa Facebook, habang isinusulat ko ito ay 100% ng mga sumagot ay nagsabi na aalagaan na lang ang kanilang mga maliliit na anak, masha Allah. Kung kayo po ay nakalog-in sa Facebook ay maaari ninyong makita rito ang kanilang mga sagot.
----------
Aral: Kinuwento ni Aishah radiyallahu anha (isa sa mga asawa ni Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam):
(جَاءَتْنِي مِسْكِيْنَةٌ تَحْمِلُ ابْنَتَيْنِ لَهَا. فَأَطْعَمْتُهَا ثَلاَثَ تَمَرَاتٍ. فَأَعْطَتْ كُلَّ وَاحِدَةٍ مِنْهُمَا تَمْرَةً. وَرَفَعَتْ إِلَى فِيْهَا تَمْرَةً لِتَأْكُلَهَا. فَاسْتَطْعَمَتْهَا ابْنَتَاهَا. فَشَقَّتْ التَّمْرَةَ، الَّتِي كَانَتْ تُرِيْدُ أَنْ تَأْكُلَهَا، بَيْنَهُمَا. فَأَعْجَبَنِي شَأْنَهَا. فَذَكَرْتُ الَّذِي صَنَعَتْ لِرَسُوْلِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ. فَقَالَ "إِنَّ اللهَ قَدْ أَوْجَبَ لَهَا بِهَا الْجَنَّة, أَوْ أَعْتَقَهَا بِهَا مِنَ النَّارِ) رواه مسلم
"Dumating sa akin ang isang mahirap na babae dala-dala ang kanyang dalawang anak na babae. Binigyan ko sila ng tatlong datiles at binigyan niya sila ng tig-iisa. Nang kakainin na niya ang bahagi niya ay hiningi ito ng kanyang mga anak at hinati niya ito sa kanila, samantalang nais niya itong kainin. Nabighani ako sa kanyang ginawa at binanggit ko ito sa Propeta sallallahu alayhi wa sallam at kanyang sinabi, "Katotohanang dahil doon ay ay papapasukin siya ng Allah sa paraiso o ililigtas mula sa impiyerno." [Iniulat ni Muslim]

9 comments:

  1. wla p kc akong anak, pero kung sakin,hnd ko iiwan ang aking anak, they need more attention and guidance rather than my husband,he's mature enough to take care of him self and understand the situation and beside if he is really a responsible man, he will not allow me to go with him abroad for the sake of our children

    ReplyDelete
  2. jazakumullahu khayran po sa inyong payo..

    ReplyDelete
  3. salaam..For my opinion. khit wla pa po akong anak at asawa... Ang saakin pong tingin na tma ay ung eag sumama sa aking asawa at mnatili nlng sa aking mga anak...Ksi mhirap na iwan ang mga bata dhil una sa lhat lalayo ang loob nito sa iyo pangalawa hindi nya mraramsan ang klinga ng isang ina.. mhirap dn kc kpag sa ibang tao lmaki ang mga bata.ktulad nlang ng bonding. mganda ksi ung my nae sheshare ka na kwento sa anak mo about nong kbataan nya...Wla ksing mas hhigit pa sa pagmamahal, kalinga at aruga ng isang ina sa knyang anak..that's all nd wassallam..

    ReplyDelete
  4. salaam para sa akin ...
    mag paiwan na lang po siya alagaan na lamang nya ang kanyang anak. kung ang iniisip nman po nya ay sino ang mag aalaga sa mister nya sa abroad kung ito po tlga ang concern nya ang mag aalaga sa mister nya. hindi po problema un kung hindi siya against sa taaddud pwede nman po nya payagan ang mister nya na mag asawa muli.
    mas kailangan ng mga anak ang ina. lalo na po kung maliliit pa. naalala ko ang isang hadith na kapag ang ina namatay na may awa sa knyang puso dahil sa knyang mga anak na malilit jannah ang punta.

    ReplyDelete
  5. sa panahon po ngayon mas mainam po ang mag-asawa o pamilya na magkakasama... marami na po mga di kanais-nais na nangyayari sa mga mag-asawang magkalayo sa isa't isa... merong nagkakahiwalay kasi yung isa sa kanila may kabit...at hindi rin mabuti sa mga bata na lumaking wala ang ama o ang ina. :) In Shaa Allah sister you'll make the best decision :)

    ReplyDelete
  6. salam para sakin po hindi aku sasama sa asawa ku magpapaiwan aku pra alagaan ang mga anak ku ksi karamihan nahihiwaya sa mga gulang minsan ay naliligaw na landas dahil kulng sa gabay mahagala ang rules ng isang magulang sa knyng mga anak lalo sa mga ina.

    ReplyDelete
  7. ...assalam mu'aleykum,,, para sa akin, kahit sabihin nila na iba na ang panahon ngaun eh ang trabaho pa rin ng ina ay alagaan ang kanyang mga anak lalo na't kung sila ay maliliit pa at ang ama naman ang magpoprovide sa pamilya nia. Aanhin ng isang ina ang pera sa abroad kung ang kapalit naman nito ay pagkalayo sa kanyang mga anak. Di kayang tumbasan ng kahit anong halaga ang responsibilidad ng isang ina sa kanyang mga anak.

    ReplyDelete
  8. Casino Review - TrickToactoe.com
    More imageshttps://casinogamespro.com › Casino-Review-and-Dispute › 놀이터모아 Casino-Review-and-Dispute Casino Review · Slots 12bet · 토토 꽁머니 Mobile · Table Games · Slots · Live Dealer Games · Sports · Live 바카라 커뮤니티 Dealer 꽁 머니 환전 Games · Live Sports · Live Games.

    ReplyDelete