Pages

Nalilito po Ako Dahil Dalawang Beses Akong Nagdarasal

Isang sister natin na balik-Islam ang nalilito kung tama ba ang kanyang ginagawa dahil minsan ay twice siyang nakapagdarasal sa isang salah. Pakibasa po ang aming maiksing pag-uusap at ito'y kapupulutan natin ng aral insha Allah.
----------
Sister: salam ustadz
Me: wa alaykumus salam
Sister: may itatanong po ako syo
Me: ano un? 
Sister: kc po 2x ako napapagulit ng dasal
Me: bkt?
Sister: kc minsan d2 ako sa houz ngdadasal then pagdating ko sa shop tinatanung ko ung ksama ko n new muslim kung nagdasal n cya sabi nya hnd pa, since hnd pa cya marunong magdasal sinasabayan ko cya magdasal
kya minsan ung asr prayer ko 2x
Me: walang problema doon..
maganda nga un kasi natuturuan mo siya..
masha Allah..
ung una mong dasal ay wajib ung pangalawa ay sunnah..
Sister: ah ok po
Me: nangyari yan sa panahon ng Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam..
Sister: confuse kc ako bka kc hnd pwd, kya lng ayw ko n hnd cya makapagdasal
Me: Kung saan may Sahabah na nagsasalah sa likod ng Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam at pag-uwi niya sa kanila ay siya ang nag-iimam sa mga tao doon..
masha Allah tuloy nyo lang hanggang sa matuto siya at turuan ninyong mabuti lalo na ung Suratul Fatihah..
malaki ang gantimpalang makukuha ninyo..
----------
Aral: Sabi ni Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam:
(إِنَّ الدَّالَ عَلَى الْخَيْرِ كَفَاعِلِهِ) رواه الترمذي, حديث حسن صحيح
"Katotohanan na ang nagtuturo sa kabutihan ay katulad ng gumagawa nito (ng dahil sa kanyang pagtuturo)." [Iniulat ni Tirmidhi, Hadith Hasan Sahih]

1 comment:

  1. MashaaAllah...Panibagong kaalaman ito sa akin...Allahuakbar!

    ReplyDelete