Pages

Kanino Po Mapupunta ang mga Bata Kapag Nagkahiwalay Kaming Mag-asawa?

Isang sister natin na kababayan rin natin ang nagtatanong tungkol sa kung kanino mapupunta ang kanilang maliliit pang mga anak kung sakaling magkahiwalay daw sila ng kanyang foreigner na asawa. Maayos naman ang kanilang pagsasama pero nausisa lang niya kasi may nakapagsabi sa kanya na kung magkahiwalay daw sila ay sa lalake daw mapupunta ang mga bata at mahihirapan daw siya doon. Hingin natin sa Allah na magsama sila ng maayos. Narito ang aming pag-uusap:
----------
Sister: may gusto po sana ako itanung kng halimbawa mag hiwalay ang isang mag asawa kaninong puder po dapat mpunta ang mga bata.. s ina or s ama..
******* po kase ang asawa ko curious lang po aq kea naitanung q..

Me: sandali..
Sister: meron po kase ako ibang pilipino n nkakausap sbi nila s lalake daw po ibinibigay ang custody ng mga bata.. gusto q po sana malamnang right way n batas ng islam
Me: sa babae mapupunta ang mga bata lalo't ito'y maliliit pa..
may ganitong hadith ang Propeta sallallahu alayhi wa sallam..
pero kung ayaw pumayag ng lalake ay mainam na dalhin ninyo sa korte..
maliban na lang kung mapapangasawa kayo ulit..
sa ganitong sitwasyon ay maaari kayong magkasundo pero pinakamainam ay pumunta kayo sa korte para ang judge ang mag-desisyon since nasa Muslim country naman po kayo..
Sister: ah gnun po b naitanung ko lng nmn po pero naway pag tibayin ng Allah ang aming pag sasama... salamat po ng marami
Me: amin.. 
walang anuman po..
----------
Aral: Minsang may isang babae ang dumating sa Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam at siya;y nagwika, "O Sugo ng Allah, ito pong anak ko ay nagmula sa aking sinapupunan, at ang aking mga dibdib ang kanyang naging inumin, at ang aking kandungan ang kanyang naging hangin. Hiniwalayan po ako ng kanyang ama at nais siyang kunin mula sa akin." Ang tugon sa kanya ng Propeta sallallahu alayhi wa sallam ay, 
(أَنْتَ أَحَقُّ بِهِ مَا لَمْ تَنْكَحِي) رجاله ثقات وإسناده صحيح وحسنه الألباني
"Ikaw ang higit na may karapatan sa kanya maliban na lamang kung ikaw ay maikasal muli." [Ang pagkakasunud-sunod ng mga nag-ulat nito ay mapagkakatiwalaan at ito ay hadith hasan ayon kay Al-Albani]

3 comments:

  1. mashaallah napakagandang paksa....

    ReplyDelete
  2. Salam Alaikoum Bro. papano po kaya kung ayaw sumama ng mga anak sa kanilang ina bagamat sya ang nag aruga at nag palaki sa mga ito? kung minsan dahil sa mga kadahilanan katulad na lang halimbawa na ang byenang babae ay hindi matanggap ang kanyang manugang na babae? ano po ba ang nararapat gawin sa mga ganitong sitwasyon? papaano na po kung nka lipas na ang maraming taon hindi ko nakapiling ang aking mga anak ito po ba ay kasalanan ko kahit na labag sa aking kalooban na iwanan ang aking mga anak ?

    ReplyDelete
  3. Salamulaikum naghiwalay po kmeng mag asawa at balak nya mag asawa ulit, kanino ba mapupunta mga Bata?

    ReplyDelete